Renesmee Alvarez's"Dyusme, Zeev! Para kang kabute! Magkakasakit yata ako sa puso dahil sa iyo eh!" Inis kong reklamo sa kanya. I even punched him in his arm. Sa gulat ko ay parang gustong lumundag ang puso ko palabas sa rib cage ko.
But the jerk just laughed at me.
"Kanina ka pa ba riyan?"
Bakit hindi ko man lang napansin na nandito pala siya? Himala na hindi na siya takot sa dalawa kong alagang aso. Ni hindi ko man lang siya napansin kanina maski iyong motor niya.
"Kanina pa ako nandito, hindi kasi ako makasingit kanina. Hinintay ko muna na matapos 'yung gulo," he explained before he gave me a silly smile.
"Itigil mo nga 'yang ngiti mong ganyan. Ang aga-aga binubwisit mo ako," masungit kong turan bago ko isinara ang aming gate.
"Ang init naman ng ulo mo, love. At saka sa gwapo kong 'to, mabubwisit ka lang?" Nakangisi n'yang sabi dahilan upang mag-death glare ako sa kanya.
Iyon na nga eh, gwapo siya kaya nakakabwisit 'yon. Ang gwapo kasi naman talaga ng ngitian niya. Nakakatunaw pa iyong tinginan niya, nakakapanghina ng tuhod pati na rin ng kalamnan. Naalala ko naman bigla 'yung pagpapatalsik ni Daisy sa Avalor University.
"Umamin ka nga sa 'kin. May kinalaman ka ba sa nangyari kay Daisy? She was expelled from our school." Napa-krus pa ako ng braso habang ang isa kong kilay ay nakataas.
"Why? Will you be mad at me if I say that she and her friends deserve to be expelled from your school? Kulang pa nga 'yon eh," aniya na parang wala lang sa kanya kung mapatalsik man sina Daisy.
"So may kinalaman ka nga?"
He sighed, "Yup. May isang salita ako. Sinabi ko sa iyo, 'di ba? Sisiguraduhin ko na mapapatalsik sila sa school ninyo,"
Malalim akong napabuga ng hangin. Hindi naman niya kailangan na gawin iyon. Baka madamay pa siya sa gulo. Baka siya pa itong balikan n'ong mag-ina na 'yon.
"Oo nga pala, bakit ka nga pala nandito? Maaga pa ha?" I asked. Para naman mabago ang topic namin.
Kukunin ko na sana sa kanya 'yong dalawa kong aso pero umiwas siya at hindi binigay sa 'kin. Aba, mukhang magkasundo na sila ng alaga ko ah?
Tahimik lang din sina Bokki at Bibim, mukhang gustong-gusto nila na nasa bisig ni Zeev. They were both still asleep in his arms. Mukhang panatag sila sa lalaking ito. Parang kailan lang nang habulin nila si Zeev, habang ang lalaking 'to ay umakyat sa puno dahil sa sobrang takot.
"Nandito ako para sabihin sa iyo na nakagawa na ako ng contract natin, 'yon talaga ang sadya ko kaya ako naparito. Kunin mo sa motor ko, basahin mo na lang 'yon at pirmahan."
Lumapit kami sa motor niya at nakita ko na may nakapatong doon na brown envelope. Kinuha ko agad 'yon at nilabas ang papel upang basahin ang mga nakasulat doon. Baka kasi puro kalokohan lang ang inilagay nitong si Zeev kaya mas mabuting i-double check ito bago ko pirmahan.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
Ficción GeneralIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION