Renesmee Alvarez's
Nakarating kami sa kwarto at siya na mismo ang nag-lock ng pinto bago niya ako binaba. Ang lakas niya, hindi man lang siya nabigatan sa 'kin.
"Ayan, tahimik na at walang sagabal. Maayos na tayong makakapag-usap," salita ni Zeev.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Ano ba kasi 'yung pag-uusapan natin? Sabihin mo na, ang dami ko pang gagawin na dapat tapusin," masungit kong saad.
Ang dami ko pa namang tatapusin dahil demo teaching ko bukas. Meron pa akong project na kailangang tapusin dahil deadline na rin iyon bukas. Ang hirap talaga ng buhay estudyante. May pangarap kasi ako kaya kahit nakakapagod ay papasok pa rin ako.
"Be my girlfriend," he said smoothly.
I was surprised so I quickly looked at him. "What? Girlfriend?! Teka, sira na ba ang ulo mo?!" I said and laugh awkwardly.
Hindi ko inaasahan 'yon. Be his girlfriend? Ako? Aba't, nasisiraan na nga yata siya ng ulo! Ano kaya'ng pumasok sa utak niya at naisip niya 'yon? Don't tell me na nahulog na siya sa alindog ko?
He sighed and stared at me seriously, "I'm serious, Renesmee. That's why I'm here. I need your help. I want you to be my girlfriend but not a real relationship, huh? You just have to pretend," paglilinaw niya.
Hindi makatotohanan na relasyon? Pretend? Iyon ang ibig niyang sabihin? 'Yon ang dahilan kung bakit gusto niya akong makausap?
"Gusto mo na magpanggap akong girlfriend mo, ganoon ba?"
He nodded his head like a kid. Lumapit naman ako sa kanya at malakas kong pinitik ang kanyang noo na ikina-aray naman niya.
"Damn! Why did you do that?!" He asked while rubbing his forehead. It was obvious that he was hurt by what I did to him. Sabagay, napalakas 'yung pitik ko sa kanya at rinig na rinig ko iyon.
"I just want to make sure if you're okay or if you're losing your mind. Pero mukhang ayos ka naman at nasa matinong katinuan ka pa," sagot ko. Mukhang mapapasabak din ako sa lalaking ito, inglisero eh. Huwag lang sanang dumugo ang ilong ko nito sa kasasalita ng ingles.
Napa-tsk lang siya. "O, ano? Papayag ka na ba? Hindi naman iyon magtatagal, kahit isang buwan lang naman. Magpanggap ka lang na nobya ko," aniya.
"Bakit ako pa?" Nagtataka kong tanong sa kanya. "Playboy ka, 'di ba? Eh 'di maghanap ka ng ibang babae na nakilala mo na na pwedeng magpanggap na dyowa mo. Bakit ako pa ang naisip mong lapitan at hingian ng tulong?" Dagdag ko.
I mean, marami naman talagang mga girls diyan na willing magpanggap na girlfriend niya. Aba, puwede naman siyang humingi ng tulong sa mga naging babae niya lalo na sa mga babaeng nakilala na niya.
Gwapo naman siya, tiyak na papayag agad 'yung babaeng yayayain niyang magpanggap na nobya niya. Bakit ako pa ang nilapitan niya?
"Because you are different from them. The girls I met were pretty crazy and madly in love with me. While you? You hate me, don't you? Unless you have a crush on me," he replied. Hindi lang pala siya may pagkamayabang, mahangin din pala siya.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
Fiction généraleIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION