RENESMEE
Dahil sa ginawa nina Manang Luz at ni Daisy ay nakulong sila. Nalaman na sila ang may pakana ng sunog, kaya sinampahan na sila ng kaso.
Wala naman kaming magagawa kahit magmakaawa pa silang dalawa sa amin dahil pati ang may-ari ng bahay at ang mga nasunugan ay ipinakulong na sila.
Gumawa sila ng ikapapahamak nila kaya dapat lang na pagbayaran nila iyon. Kahit si papa ay walang nagawa. Hindi sapat ang sorry at pagmamakaawa nila, o kahit lumuhod pa sila. Marami ang naperwisyo, nawalan ng gamit at negosyo, at halos muntikan na rin may mapahamak.
At ginawa nila iyon dahil sa galit nila sa amin. Ako ang sinisisi ni Daisy kung bakit naghiwalay sila ng boyfriend niya. Nagalit din sa amin si Manang Luz dahil buong akala niya ay bumalik si papa sa amin.
Hindi rin niya matanggap na basta na lang ibinigay ni papa sa amin 'yung titulo ng bahay at lupa, where in the first place ay kami naman talaga ang may karapatan na tumira sa bahay namin. Minsan ay hindi ko talaga maintindihan kung nag-iisip ba talaga sila o hindi.
Four days have passed, and everything is back to normal. Bumalik na rin si papa sa trabaho niya sa Saudi, kaya ang dati naming bahay ay ginawa na lang namin na paupahan. Wala na rin namang balak sina mama na bumalik doon dahil napagdesisyunan na nila na sa probinsya na lang manirahan.
Nagkausap na rin kaming dalawa ni papa bago siya umalis. Humingi na rin siya sa akin ng sorry sa lahat ng mga nagawa niyang kasalanan sa amin.
Totoo nga talaga ang kasabihan na once the glass is broken, it will never be the same again. Dahil kahit na humingi na siya ng tawad sa amin ay hindi na babalik sa dati ang lahat.
As a child, I also miss his warm embrace. I miss how he tucks me into my bed, and how he hums softly as he lulls me to sleep every night. Madalas noon iyon gawin ni papa sa 'kin, pero dahil sa pagkakamali ay nagbago ang ihip ng hangin.
Pero masaya na ako ngayon, tanggap ko na ang lahat. Masaya na rin naman na si mama, kaya hindi ko na ipipilit pa ang bagay na hindi na talaga pwede.
Kahit si Zeev, nagkausap na rin silang dalawa ng Daddy niya. And his father also apologized to him, pero tulad ko ay hindi madaling magpatawad. All the pain they've caused won't fade right away. Hindi basta maghihilom ang malalim na sugat na ginawa nila.
Siguro ay nabawasan lang kaunti ang galit at poot sa dibdib namin ni Zeev nang makausap namin ang aming mga ama, so that we can move forward and start over again for our future. We should just start a new beginning for both of us.
Iiwanan na namin lahat ng mga nangyari sa nakaraan namin, pero hindi kami makakalimot. Kaya nga siguro may ibang mga tao na hirap magpatawad, because it's hard for them to say they're fine when they're not.
It's hard for them to be okay, if the truth is that person caused them a deep cut. Dahil para sa akin, hindi lahat ng taong nanakit sa 'yo ay deserve na patawarin.
"Uuwi ka na?"
My gaze went to Shihan when I heard her voice. Nasa classroom kami ngayon at katatapos lang din ng aming klase.
"Yup, marami pa akong aasikasuhin," sagot ko sabay ngiti. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko ay saka ko binitbit ang aking bag.
"About your wedding?" I quickly hush her, so she immediately covered her mouth with her right hand.
Baka marinig pa siya ng mga kaklase namin at kumalat pa na ikakasal na ako. Ay, kasal na nga pala ako.
But Zeev and I will have a church wedding this coming Sunday. Naikuwento ko 'yon kay Shihan dahil close friend ko naman siya at mapagkakatiwalaan, kaya alam niya na ikakasal na ako. Siya nga itong kinuha kong maid of honor, eh.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION