15

6.3K 474 54
                                    

Renesmee Alvarez's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Renesmee Alvarez's

"Maraming salamat po, Ate Renren! Nabusog po kami," masayang pasasalamat ni Shane sa akin kaya ngumiti ako ng matamis. Katatapos lang nilang kumain at iyong mga natirang pagkain na hindi nila naubos ay binalot ko para may makain pa sila bukas.

"Walang anuman," nakangiti kong sagot.

Ang gaan sa pakiramdam na makita na masaya sila at labis ang tuwa. Matutulog sila ngayong gabi na busog at may laman ang kanilang mga tiyan. Kahit nga si Jingjing na mahiyain at nagtatago sa likod ng mga kapatid niya ay nagpasalamat din sa akin.

Ang cute nitong batang ito dahil ang liit niya at may bangs pa. Medyo humahaba na rin ang bangs niya kaya nahaharangan na nito ang kanyang mukha.

"O sige, uuwi na ako. Magkita na lang tayo sa Biyernes," paalam ko bago ako kumuha ng pera sa wallet ko at binigay 'yon kay Shane.

"Ayan, pambili niyo ng pagkain niyo. Huwag na kayo magpulot ng pagkain sa basura, ha?" Sabi ko na ikinatango nilang tatlo.

"Maraming salamat po talaga, Ate Renren! Hulog po kayo ng langit sa 'min!" Magiliw na sabi ni Anton kaya natawa lang ako at nanggigigil na pinisil ang kanyang pisngi.

Iniisip ko lang talaga ay iyong pagtutulugan nilang tatlo. Mga bata pa naman sila, nagtatalo rin ang isip ko kung basta ko na lang silang iwan dito at hayaan sila na matulog sa bangketa. Paano na lang kung may masamang mangyari sa kanila habang tulog sila? Hindi ko naman kaya na mangyari iyon sa kanila.

"Saglit lang," pigil ko sa kanila nang akma silang aalis na.

"Saan nga ulit kayo natutulog?" I asked.

"Sa tabi-tabi lang po, ate. Minsan sa tabi po ng basurahan," sagot ni Shane.

I sighed. "Gusto niyo ba na sumama sa akin at doon na lang kayo matulog sa bahay namin?"

Mas mabuti na rin 'yon, 'di ba? Kaysa naman hayaan ko na lang silang tatlo na sa tabi-tabi sila matulog. Masyadong mahina ang puso ko kapag may masamang mangyari sa kanilang magkakapatid.

Nagkatinginan naman silang tatlo at bakas ko ang kasiyahan sa mga mukha nila.

"Talaga po, ate? Baka po magalit ang mama niyo?" Si Anton na nababahala kaya mahina ko siyang tinawanan.

"Siyempre hindi siya magagalit. Mabait ang mama ko, for sure magugustuhan niya kayo." Nakangiti kong sabi. "O, ano? Tara na? Gusto niyo ba doon na lang sa 'min kayo matulog? Natatakot kasi ako na baka mapahamak kayo kapag diyan sa tabi-tabi kayo matulog lalo na't may hawak kayong pera at mga pagkain," mahaba ko pang dahilan.

Sabay-sabay naman silang tatlo na tumango sa akin. "Oo naman po, ate! Sobrang bait niyo nga po eh! Natatakot din po kami kasi baka maulit na naman ang nangyari noon kay Jingjing," si Shane.

Nangunot ang aking noo, "Maulit ang alin?"

Bumuntong-hininga ang bata, "May lalake po kasi na hindi po namin kilala ang gusto siyang kunin. Pinipilit po si Jingjing na sumama sa lalake na 'yon, buti na lang po ay nakita ni Anton kaya hindi niya po natangay ang kapatid namin." Pagkukwento niya.

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon