Renesmee Alvarez's
Lagot na! Ano'ng gagawin namin ni Zeev?! Gusto ni Lola Florissa na magpakasal na kami? Hindi puwede na mangyari iyon dahil una, nagpapanggap lang naman kami ni Zeev na may relasyon at pangalawa ay malalagot ako kina mama.
Masyado pa akong bata para ikasal! Saka nag-aaral pa ako, paano kung ibitin ako ng patiwarik ni Kuya Kylier? At isa pa, peke lang ang lahat. Wala naman talagang namamagitan sa 'min ni Zeev.
"Wait lang, 'la." Zeev laughed nervously. "Tingnan mo po ang girlfriend ko, binigla mo po siya. Saka kasal na agad?"
Tumingin sa 'kin si Lola Florissa kaya peke lang din akong tumawa. Nabigla naman kasi talaga ako. Kasal agad? Bakit ang bilis naman yata?
"Tama po si Zeev, lola. Hindi po ba pwedeng tumagal po muna ang relasyon namin ni Zeev bago ang kasal na 'yan?" I told her, trying to calm myself even though it was obvious in my voice that I was nervous.
Hindi ko naman kasi expected na sasabihin niya 'yon, na gusto na niya kaming magpakasal ng apo niya. At hindi pwedeng mangyari 'yon! Aba, everything is just a lie. Nagpapanggap lang naman kami nitong si Zeev na may relasyon.
"But I like you, hija. Gusto kita para sa apo kong si Zeev. Kaya gusto ko na magpakasal na kayong dalawa sa lalong madaling panahon. Bigyan niyo na rin kami ng apo ni Hermilando kung gusto ninyo,"
Wala naman akong kinakain o iniinom pero bigla na lang akong nasamid dahil sa huli niyang sinabi. Napaubo tuloy ako. Apo? Nanghihingi na rin siya ng apo? The heck?
"Lola naman, naiintindihan ko naman po na gusto niyo si Renesmee. Pero masyadong mabilis kung magpapakasal kami agad. At isa pa, wala pa sa isip namin 'yan. Am I right, love?"
Binalingan ako ni Zeev kaya mabilis akong tumango bilang sang-ayon sa sinabi niya. Wala talaga sa isip namin 'yon at mas lalong walang dapat magaganap na kasal.
Mabilis naman na sumimangot ang mukha ni Lola Florissa. Halata ko na hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Zeev, o dahil sa hindi maibigay sa kanya ang gusto niya? Ayoko rin naman na sumama ang loob niya, baka maging dahilan pa 'yon para lumala ang sakit niya.
"Tama naman ang mga bata, Florissa. Masyado pa silang mga bata kung magpapakasal sila agad. Let them get to know each other thoroughly first. Hayaan mo na sila ang magdesisyon para sa sarili nila," mahabang sabi ni Lolo Hermilando sa asawa niya.
"At isa pa, may sarili silang isip at desisyon. Hindi na tayo pwedeng mangialam sa buhay nila. Malay mo, mahal nga nila ang isa't-isa pero may mga bagay pa rin pala silang hindi mapagkakasunduan. Sayang lang ang kasal kung maghihiwalay lang pala sila sa bandang huli,"
And we agreed with him.
Kung alam lang nila na nagpapanggap lang kaming dalawa ni Zeev. That I am just his fake girlfriend and our relationship is not real. Ayoko rin magpakasal sa tukmol na 'to, hindi dahil sa nag-iinarte ako. Kundi dahil walang katotohanan ang lahat sa 'min.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION