RENESMEE ALVAREZ
"O, bakit ngayon ka lang?"
Iyon agad ang bungad na katanungan ni mama sa akin nang makapasok ako sa loob ng bahay. Naabutan ko rin siya na inaayos ang mga idadagdag niyang mga paninda niya sa palengke na malapit lang dito sa 'min. May puwesto na si mama roon na binabayaran lang niya sa tuwing nagtitinda siya.
Katuwang niya sa pagtitinda ang bunso niyang kapatid na si Tita Bobbie --- na ngayon ay tinutulungan siya na hakutin at ilagay sa likod ng Mitsubishi pick-up truck 'yung mga paninda nila.
Naipundar ni Kuya Kylier itong sasakyan kaya nakabili siya galing sa perang pinaghirapan niya sa ibang bansa. Masinop kasi talaga ang Kuya kong 'yon pagdating sa mga iniipon niyang pera. Galing iyon sa pawis at kasipagan niya. Talagang hindi siya nakakalimot na magtabi ng pera para sa amin ni mama.
Kaya nga nakapagpatayo na siya ng sarili niyang restawran sa Washington. Proud ako sa Kuya Kylier ko dahil matalino na nga siya, mabait at masipag pa.
"Baka naman nag-boy hunting kayo ro'n, ha?" Ani Tita Bobbie sa 'kin na nakataas ang isang kilay. "Aba, ayus-ayusin mo lang, Renren! Talagang ibibitin kita ng patiwarik sa puno ng sampalok na may mga higad 'pag nalaman kong nagbubulakbol ka!"
Renren. Iyon ang palayaw niya sa 'kin.
"At para hindi ako magalit, aba'y isama niyo ako sa pagbo-boy hunting niyo, ano!" Pahabol pang sabi niya kaya tinawanan ko lang si Tita Bobbie.
Nakurot naman siya ni mama sa tagiliran niya na ikinaaray niya. Oo, gay siya pero tita ang tawag ko sa kanya dahil mas gusto niya iyon. Mabait naman siya, ayaw lang niya na mapabayaan ko ang pag-aaral ko at ayaw rin niyang maligaw ako ng landas.
Hindi rin gusto nina Tita Bobbie at mama na makipagbarkada ako sa mga taong walang pangarap sa buhay. Ayos lang naman sa kanila na makipagbarkada ako, basta pumili lang ako ng kakaibiganin.
'Yong matino, mapagkakatiwalaan, may mabuting kalooban at hindi makasisira sa aking pag-aaral. Syempre, masarap din naman magkaroon ng kaibigan na may pangarap sa buhay at makakasabay mong makapagtapos sa pag-aaral.
Iyon nga lang, wala naman akong kaibigan sa pinapasukan kong school. Kakilala o nakakausap ay meron, pero kung kaibigan? Wala. As in wala ako n'yon. Hindi dahil sa lonely ako, na introvert ako o walang may gustong makipagkaibigan sa akin.
Kung 'di dahil sa mas trip ko lang na mapag-isa. Wala rin naman kasing mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon, maliban doon ay takot na rin akong magtiwala.
Iyong matagal mo na ngang kaibigan, na nakakasama mo pa sa iisang bahay ay nagagawa ka pang ahasin at siraan. Sa katunayan nga niyan ay nagkaroon din ako ng kaibigan noon, pero wala na ngayon.
It hurts me because they both lied to me. Oo, both. I have two ex-best friends who lied and betrayed me. I was nice to them, but I didn't know that they were saying and doing bad things behind my back. Hindi ko alam na may malaki na silang inggit sa 'kin.
Hindi rin naman ako nagrereklamo sa tuwing pinagsasabihan ako nina mama at paulit-ulit silang nagpapaalala sa akin. Alam ko na ginagawa lang nila iyon para sa akin. Sila ang laging nagpapaalala sa akin na magkaroon ako ng dedikasyon at tiwala sa sarili.
Nakangiti akong lumapit sa kanilang dalawa at magalang na nagmano.
"Sorry po, 'ma, tita. Ngayon lang kasi namin naisipan ni Ate Agnella na umuwi," hingi kong paumanhin sa kanila.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
Fiction généraleIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION