23

6.4K 485 76
                                    

Renesmee Alvarez's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Renesmee Alvarez's

Nginitian ko si Lola Florissa nang lapitan niya ako. Malaki ang pagkakangiti niya sa akin. I also warmly welcomed her and hugged her. Nakipag-beso pa siya sa akin.

“Magandang umaga po. Ano po'ng ginagawa niyo rito? Hindi ko po alam na nakalabas na po kayo ng ospital,” magalang kong sabi sa kanya.

“Nakalabas na ako kanina at naisip ko na puntahan ka. Alam mo na, we have many important things to talk about, hija. Especially about you and my grandson.”

Importanteng bagay na pag-uusapan? Ano naman kaya iyon? Sa amin ni Zeev? Don't tell me na pag-uusapan namin iyong tungkol sa kasal na iyan?

Oh no, narito pa naman si Tita Bobbie. Kapag binanggit ni Lola Florissa ang tungkol sa kasal na 'yan, tiyak na malalagot ako nito kay mama.

“Teka, saan pala kayo pupunta? Bakit parang hinakot niyo na yata ang mga gamit ninyo?” nagtatakang katanungan ni Lola Florissa nang mapansin niya ang mga gamit namin na nasa pick-up truck.

“Dahil pinapalayas na namin sila,” sabat ni Manang Luz kahit hindi naman siya ang kinakausap.

“Pinapalayas? Why? This is your house, right?” Bakas ko kay lola ang kuryosidad.

“Kami na ang may-ari ng bahay na ito. Nasa amin din ang titulo ng bahay at lupa, kaya may karapatan kami na palayasin sila,” muling sagot ni Manang Luz.

Ngumisi pa ang anak niyang si Daisy habang naka-krus ang braso niya. Halatang iniinis pa niya ako.

“Teka nga lang, ikaw ba ang kausap ko? Where are your manners? Puwede ba na huwag kang sumabat kung hindi ikaw ang kinakausap?” Lola Florissa raised her eyebrows at her.

“And by the way, kailan pa nagkaroon ng karapatan ang isang kabit? As far as I know, you are a mistress. You have no right to be arrogant with them and evict them as you want because they are Renesmee's father's legal family. Kaya huwag kang umepal, napaghahalataan ka na kulang ka sa pansin at pagmamahal,” salita niya pa.

Nagulat ako ng bahagya. How did she know about that? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nabanggit kay Lola Florissa tungkol sa magulang ko lalo na sa buhay ko. Nabanggit kaya ito ni Zeev sa kanya? Ewan, hindi ko alam.

“Walang galang na ho, may karapatan kami dahil kami na ang bagong pamilya na kinakasama ng papa ni Renesmee. Hawak ko ang titulo ng bahay at lupa, so wala na silang magagawa. Kasalanan nila kung bakit kami ang pinili ni Vicente. It's not also our fault kung pinagpalit sila ni Vicente,” sagot ni Manang Luz, halatang ayaw magpatalo.

“Sabagay, 'di bale nang pinagpalit kaysa naman sa iyo, maganda at seksi nga pero malandi namang kabit,” she replied and scoffed, as if she was disgusted with her and I could see it in her eyes.

“Ano'ng sabi mo?!” Luz couldn't believe what she heard. Gumuhit din ang iritasyon sa kanyang mukha.

Inayos naman ni Lola Florissa ang kanyang buhok at malalim na bumuntong-hininga. Magaan at dahan-dahan din niyang tina-tap ang pisngi niya gamit ang tatlong daliri niya na animo'y naglalagay lang siya ng make-up.

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon