Warning: Bawal sa bata at inosente. Please read at your own risk.
RENESMEE ALVAREZ'S
"Pumunta ka rito na walang boyfriend, umalis ka na walang boyfriend. Tapos pagbalik mo, ikakasal ka na? Paano nangyari 'yon?" bulalas ng pinsan kong si Thalia.
Hindi siya makapaniwala nang malaman nila na ikakasal na ako. Mahina naman akong sinampal ng isa ko pang pinsan na si Sua sa braso ko.
"Tips naman kung paano at saan ka nakabingwit ng ganyang kagwapong nilalang," aniya sabay nguso kay Zeev.
"Orasyon reveal naman diyan," turan naman ni Thalia.
Kasalukuyan na kausap ni Zeev ang mga nakatatanda kong pinsan na mga lalaki. Si Kuya Bryant na mas matanda sa aming magpipinsan, si Kuya Edward, si Kuya Clark at ang bunsong kapatid ni Sua na si Dylan. Nasa bakuran sila at nag-uusap.
Hapon na nang makarating si Kuya Kylier at nakasunod sa amin dito sa Santa Monica. Mabilis lang umusad ang imbestigasyon dahil agad nilang nalaman kung sino ang may pakana ng sunog.
Buti na lang ay may CCTV malapit sa inuupahan naming bahay at isang lalaki na hindi namin kilala ang nahagip sa camera. Tatawag na lang daw ang imbestigador kapag natunton na nila 'yung lalaking 'yon. Syempre tatanungin siya kung bakit niya ginawa 'yung sunog. Was that an intention, or did someone order him to set the fire?
"Hoy, Renesmee. Tinatanong ka namin," ani Thalia kaya tiningnan ko silang dalawa.
"Marami bang gwapo sa Maynila? Panahon na ba para lumuwas ako at maghanap na rin ng nobyo?" kinikilig na tanong ni Sua.
"Bakit ba ang hilig mo sa guwapo? Hanapin mo naman 'yung mabait at may trabaho, 'no! Sa hirap ng buhay ngayon ay kailangan na nating maging praktikal. Tandaan mo, nagmahal na ang mga bilihin ngayon," nakasimangot kong tugon sa pinsan ko.
"Paano kung gwapo nga, may trabaho, mabait at mahal na mahal ka? Tulad na lang ng nabingwit mo. Halatang in love na in love sa 'yo at mabibigyan ka ng magandang buhay," saad ni Thalia at sabay silang dalawa ni Sua na tumili dahil sa kilig.
"At mukhang mabibigay rin lahat ng gusto mo," dagdag ni Sua at muli silang tumili.
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanilang dalawa. Mabuti ay hindi sila naririnig ni Zeev dahil medyo malayo sila sa gawi namin. Sina mama ay nasa loob ng bahay ni Tiya Isidra, ang ina ni Kuya Bryant.
Sa kanila muna kami tutuloy pansamantala, dahil 'yong bahay na pinapatayo ni Kuya Kylier ay hindi pa tapos. Hindi pa ito napipinturahan, wala pang pintuan at bintana kaya hindi pa namin ito pwedeng tirahan.
"Kilala niyo naman ako. Alam niyo na hindi ako maluho. Mahalaga sa akin ay mahal niya ako at napapasaya niya ako," wika ko sa seryosong boses.
"Binibiro ka lang namin, ano ka ba. Mas gugustuhin ko rin naman na mapunta sa masipag kahit hindi kagwapuhan. Kaysa naman na puro abs lang ang ambag, palamunin naman," sabay irap ni Sua.
Hindi ako sumagot.
Ang aking mata ay nakatitig lang sa gawi ni Zeev. Habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya ay mas lalo pa siyang nagiging gwapo sa paningin ko. Kahit mayaman si Zeev, hindi ako hihingi ng kahit na anong luho sa kanya. Kaya kong magsumikap para maibigay ko sa sarili ko ang mga gusto ko.
Hindi ko rin makakalimutan 'yung mga sinabi niya habang nasa eroplano kami. Gusto ko na ring umamin sa nararamdaman ko.
Napag-isip isip ko na walang mangyayari kung magpapadala ako sa takot. I really just waited for the right time, and the right man. The man who will be the first to admit that he loves me and that I am important in his life. Someone who doesn't just show me his love, he also makes me feel it.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
Ficción GeneralIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION