Renesmee Alvarez's
Nananakit ang ulo ko. Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon dahil sa mga nangyari kagabi. Kinailangan pa naming umalis ng bahay bago pa kami ipakulong ng walanghiyang kalaguyo ni papa.
May karapatan kami sa bahay at lupa dahil kami ang legal na pamilya ni papa kahit na hiwalay na sila ni mama. Pero wala kaming laban dahil hawak ng kabit niyang si Luz ang titulo.
She can throw us out like garbage, she can also put us in jail kapag nagmatigas kami at hindi kami umalis sa bahay na 'yon.
Gusto ko rin sanang kausapin si papa tungkol dito, kung may alam ba siya na pinapalayas kami ng kabit niya sa sariling pamamahay namin. Pero naalala ko na pinutol ko na pala ang komunikasyon ko sa kanya at ganoon din si mama.
Nirerespeto ko kung ano ang gusto o desisyon ng aking ina. Gusto na lang niya na magkaroon ng peace of mind, gusto niyang lumayo sa mga walang kwentang bagay lalo na sa mga taong walang ibang ginawa kundi saktan ang damdamin niya.
Totoo nga ang sabi nila, habang nagma-mature tayo o naggo-grow, doon mo lang mapagtatanto na mas gugustuhin mo na lang na manahimik at magkaroon ng kapayapaan kaysa ma-stress.
"Ayos ka lang ba, hija?
Tumingin agad ako kay mama nang magsalita siya. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga gamit na hinakot namin. Ang iba pa naming mga gamit ay babalikan pa namin sa bahay para kunin. Hindi naman kasi lahat ay agad naming mahahakot 'yon.
At isa pa, biglaan lang din ang pagpapaalis sa amin sa bahay namin. Wala na kaming nagawa kahit na manginig pa kami sa galit sa kabit ng walanghiya kong ama. Tiyak na sarado na ang tenga at isip ng babaeng iyon kahit makiusap pa kami.
I smiled. "Opo, 'ma. Ayos lang po ako," Even if it's not. I don't feel well. I just act like I'm fine para hindi siya mag-alala.
"Sigurado ka ba? Namumutla ka eh,"
Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon gamit ang side mirror. Namumutla nga ako. Mabigat ang pakiramdam ko ngayon pero hindi ko ito pinapahalata kina mama. Ayoko kasi na mag-alala sila sa akin.
"Opo, 'wag po kayong mag-alala sa akin," nakangiti kong sagot sa kanya.
Naabutan kasi kami ng ulan kagabi sa kalsada, mabuti ay nasa loob kami ng pick-up truck. Iyon nga lang, pahirapan dahil sa mga gamit namin at may kasama pa kaming mga bata at dalawang aso. Idagdag pa na gabi na kaya nahirapan kaming makahanap ng mau-upahan namin pansamantala.
Kaya ang nangyari, sa gilid ng kalsada muna kami nagpalipas ng gabi. Habang kami naman ni Tita Bobbie ay nilagyan namin ng trapal 'yung likod ng sasakyan upang hindi mabasa ang mga gamit namin.
Kaya ayun, dahil sa naulanan ako kagabi kaya bumigat ang pakiramdam ko ngayon. Mabuti na lang ay may nahanap kami ngayon na mau-upahan na medyo hindi naman malayo sa dati naming bahay.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
Ficción GeneralIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION