THIRD PERSON POV
"Nasaan po si Nanay Florissa?" Agad na tanong ni Zeev sa kasambahay nila nang makapasok siya sa loob ng kanilang Mansyon.
Kauuwi lang niya galing sa Hemera Paradise sa kadahilanan na sinamahan pa niya ang mga kaibigan niya roon lalo na si Ales.
Nakipag-ayos kasi ito kay Agnella at ngayon ay naayos na ang gusot sa pagitan nila. Sigurado si Zeev na hindi na pakakawalan pa ng kaibigan niya si Agnella. Ales is madly in love with her. Hindi nito kakayanin na mawala ang babaeng mahal nito. Ganoon kamahal ng kaibigan niyang si Ales si Agnella.
"Nasa kwarto po niya, sir. Kasama po ni Sir Hermilando."
Nagpasalamat si Zeev sa kasambahay bago siya nagtungo sa itaas para puntahan ang lolo at lola niya.
He grew up with his grandparents. Sampung taong gulang siya nang sila na ang nagpalaki at tumaguyod sa kanya. Sila na rin ang itinuring niyang mga magulang. Aminado rin si Zeev na maka-lolo at lola siya.
Kaya nga nang tumawag ang Lolo Hermilando niya sa kanya upang ipaalam na nahilo ang Lola Florissa niya at hinahanap siya nito ay hindi siya nag-dalawang isip na umuwi agad.
He wanted to make sure his grandmother was okay. Kilala pa naman niya ang lola niya, masyado rin itong maloko. Marami itong ginagawang paraan para lamang umuwi siya ng Mansyon. Kagaya na lang noong isang araw nang tumawag ang isa nilang kasambahay.
Sinabi nito na inatake raw ng highblood ang lola niya kaya nagmamadali siyang umuwi, pero pag-uwi niya ay hindi naman pala. Naabutan pa nga niya na kumakain ito ng lechon kasama ang mga kasambahay nila. Meron naman na nadulas daw ito sa banyo at kung ano-ano pang dahilan ng lola niya na pawang kasinungalingan lang upang pauwiin lang siya sa Mansyon nila.
Ayaw rin niya umuwi muna sa bahay ng grandparents niya dahil laging pinipilit ng Lola Florissa niya na kung maaari ay mag-asawa na siya. Humiling na rin ito ng apo.
Ilang beses na rin siya nitong pinapa-blind date sa mga babae. Kinukulit din siya ng lola niya na magkaroon na rin ng nobya pero wala pa sa isip niya ‘yon.
Wala pa sa isip ni Zeev na pumasok sa seryosong relasyon. Aminado siya na playboy siya. Marami na rin siyang mga babae na nakikilala at naka-date pero hanggang doon lang iyon. Wala pa sa bokabularyo niya ang magseryoso.
Wala ring nagaganap na love kapag may nakilala siyang mga babae. Dahil kapag nagsawa siya sa isang babae ay aalis na lang siya at iiwanan na lang niya ang mga ito na parang walang nangyari.
He's just doing what he wants.
He is free, he's just having fun with other girls but he's still careful with himself. He doesn't want his heart to fall on the girl yet. Hindi rin niya hinahayaan na mahulog ang loob niya sa mga babaeng nakikilala niya.
Higit sa lahat, hindi rin niya ginagamit ang kahinaan ng mga babae. He also just waits for a girl to make the first move before he flirts.
Oo, may pagkamalibog siya pero hanggang kiss, holding hands at hugs lang ang ginagawa niya. He doesn't have sex with anyone. He never did that. He's not like his other friends who are fuck boys, full of sensuality and get laid easily.
His friends who are not yet married but have an active sex life and freely engage in promiscuous sex. Mabuti na lang ay tumino na ang mga ito at nakahanap sila ng katapat nila.
They finally found their special someone, whom they will love more than their lives. Ang ilan sa mga kaibigan niya ay magpapakasal na. Alam din ni Zeev na iba magmahal ang mga kaibigan niya. They become obsessed and possessive when they are madly in love with their girl.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM He is the hottest and most gorgeous man she has ever seen in her entire life. She was 18 years old when she saw him for the first time, and she admits that he was a fine-looking young man. Ngunit dahil sa kalasingan ay munt...