Renesmee Alvarez's
I was on the hospital bench, tahimik lang na nakaupo habang hinihintay ko na matapos si Zeev. May inaasikaso lang siya saglit para ma-discharge na si Lola Florissa bukas ng umaga.
Hindi ko rin makalimutan ang mga kinuwento niya sa 'kin kanina habang nasa kotse kami. Nagawa na niyang mag-open up tungkol sa totoong nangyari talaga sa kanyang ina. At hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa aking nalaman lalo na sa totoong dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.
She took her own life.
Hindi nakayanan ng kanyang ina ang depresyon. Masyadong inisip at dinamdam ng Mommy ni Zeev ang lahat ng problema niya lalo na nang makipaghiwalay ang Daddy niya sa kanyang ina. Sa totoo lang ay naaawa ako kay Zeev, pero alam ko na ayaw niyang kinakaawaan siya ng ibang tao.
Ramdam ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala ng kaniyang ina. Although it is not obvious to him, he is still in the stage of grief.
Nagdulot talaga sa kanya ng matinding sakit ang nangyari sa magulang niya. Ang paghihiwalay nila, ang pagtataksil ng kanyang ama at ang pagkamatay naman ng kanyang ina.
Naalala ko tuloy bigla si mama.
Paano kung hindi naman pala sa kanya okay ang paghihiwalay nila ni papa? Paano kung hindi niya matanggap na niloko at pinagpalit siya ni papa sa ibang babae? Paano kung ngumingiti nga siya pero hindi naman pala siya masaya?
Iniisip ko palang ang mga bagay na iyon ay sobra na ang pag-aalala ko para kay mama. Mabuti na lang ay hindi ako nakakalimot na magtanong sa kanya kung ayos lang ba siya. Mahirap na kasi malaman ngayon kung okay lang ba talaga ang isang tao.
There are people who are really good at hiding their true feelings. They can fake their smile, they can pretend that everything is fine --- that they are okay even when they are not.
They can act strong, hold back their tears to show they are okay and hide the heaviness they feel in their chest. At isa na ako ro'n, isa sa mga taong kayang magpanggap na ayos lang ako kahit sobrang sakit na minsan.
Napabuntong-hininga ako bago ko napansin si Zeev na papalapit dito sa gawi ko. Kasama niya ang kaibigan niyang si Conan, na isang Doktor sa ospital na 'to. Mukhang kagagaling lang niya sa loob ng operating room dahil sa suot niya. And dang! He looks good in his navy blue medical scrub suit.
I heard na magulang niya ang may-ari nitong ospital at siya na ngayon ang namamalakad dito sa Alastair Hospital.
He is the sole heir of his parents and he has the highest rank in hospital administration. Sa pagkakaalam ko, bukod sa pagiging isang magaling na siruhano ay isa rin siyang Healthcare Chief Executive Officer dito sa Alastair.
Sa pagkakaalam ko rin ay isa siya sa pinakabatang siruhano sa bansa na talaga nga namang kilala at sikat. Grabe, nasa kanya na ang lahat. Matalino na nga, gwapo at matangkad pa. Idagdag pa na may maganda siyang pangangatawan.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM He is the hottest and most gorgeous man she has ever seen in her entire life. She was 18 years old when she saw him for the first time, and she admits that he was a fine-looking young man. Ngunit dahil sa kalasingan ay munt...