32

6K 510 128
                                    

R E N E S M E E ' S

Galit kong naiyukom ang kamao ko pero nagtimpi pa rin ako. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at maingudngod ko siya sa lamesa.

"Stop it, Maggie. Hindi ka na nga invited sa dinner na ito, pero may gana na pang sirain ang gabi namin. If you're going to act like a brat, you better get out of our house. Hindi mo na kami nirespeto," ani Lola Florissa na kahit naiinis ay mahinahon pa rin ang boses niya.

"Totoo naman po, 'di ba? And you know that Renesmee has a broken family. Nagtitinda nga lang sa palengke 'yung nanay niya, eh. Hindi na ako magtataka kung bakit iniwan ng papa niya ang kanyang ina. Tapos ito namang si Zeev, may gana pa siya na magpunta roon at magtinda. Kaya pala masangsang ang amoy ng babaeng 'yan," turan niya pa na tila nandidiri.

Sumosobra na siya. Hindi ko alam kung nag-iisip pa ba siya, o sadyang sira na ang tuktok ng ulo niya.

Hindi ko na kinaya pa ang sinabi niya. I was about to speak, but we were all surprised when Zeev slammed the table.

Sobrang lakas niyon kaya nagalaw lahat ang mga plato at natapon din ang ibang mga pagkain. Nakikita ko ang galit sa kanyang gwapong mukha kaya napalunok ako sa kaba.

"Wala ka na bang kahihiyan sa sarili mo, Maggie? O kahit respeto man lang para sa grandparents ko? Dito pa talaga sa pamamahay namin ipinapakita 'yang basura mong ugali?" Zeev said in disbelief.

"Stop being a brat. Tandaan mo, anak ka lang ng malapit na kaibigan nina lola. You are not part of this family. You are nothing, and you are not important in our family compared to Renesmee, so keep your mouth shut." Ramdam ko sa tono ni Zeev na puno 'yon ng galit at iritasyon.

Galit naman siyang tiningnan ni Maggie.

"Matagal na akong may gusto sa 'yo, Zeev. Hinayaan kita sa pagiging playboy mo dahil iniisip ko na sa akin ka pa rin mapupunta kahit ilang babae pa ang i-date mo. My parents want us to get married. My god, Zeev! Noon pa lang ay plano na nila 'yon, tapos malalaman ko na ikakasal ka sa babaeng 'yan?! Hindi ko matatanggap 'yon!"

At siya pa ang may gana na sumigaw sa hindi naman niya pamamahay? Nasaan na ang kahihiyan nito? She is the only one who embarrasses herself. She gives me second hand embarrassment because of her immature behavior. Wala namang nagtangkang magsalita kina Archer. Baka madamay pa sila kung sasabat pa sila.

"That's their plan, not mine. Fuck! Who said that I want to marry you? Tinanong mo na rin ba ang sarili mo, o ang magulang mo kung gusto ba kita? Hindi naman, 'di ba? Bakit ba paulit-ulit mo na lang pinagpipilitan ang sarili mo sa akin?"

"But we dated, right?!"

"That's why I agreed to date you because I had no other choice. Grandma forced me to date you so you would stop nagging her,"

"Ano ba ang nakita mo sa babaeng 'yan?! She is nothing compared to me!"

Everyone took a deep breath because of her. Para siyang bata na hindi napagbigyan sa gusto niya.

Zeev sighed deeply. It was obvious to me that he was just holding back his anger. Dahil baka bigla na lang siyang sumabog.

"You are the complete opposite of her, so you don't need to compare yourself to my fiancée. Sa ugali pa lang, talo ka na."

Natawa si Maggie. "Bakit? Ano ba ang kayang gawin ni Renesmee? Is she good in bed? Baka naman babaeng parausan sa kama lang 'yan? Nagbibigay ng ligaya kapag bored ka."

She even gave me a disgusting look, kaya lalong humigpit ang pagkakayukom ko sa kamao ko.

"Enough!" sigaw ni Mr. Landon kaya natigil na sila sa pagtatalo.

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon