Epilogue

7.8K 431 143
                                    

RENESMEE'S

Maingay ang paligid dahil sa mga taong walang kapaguran na sumisigaw at tumitili. Sumasabay rin sa ingay ang mga motorbike na kasalukuyang nasa race track. Ngayong araw ang laban ni Zeev at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang motor racing.

Kasama kong manood si Shihan, pati na rin ang ibang kaibigan ni Zeev. Nakapwesto kami banda sa itaas ng bleachers kaya kitang-kita namin ang mga kalahok.

Matinding kaba rin ang nagsisimulang umusbong sa aking dibdib dahil ito ang unang beses na mapapanood ko si Zeev na makipagkarera.

"Ayos ka lang? Kanina ka pa hindi mapakali riyan," sita ni Shihan sa akin.

I sighed. "Kinakabahan lang ako," sagot ko.

"Paano kung mapahamak si Zeev? Ayokong maagang mabiyuda, 'no. Ayoko rin na may masamang mangyari sa asawa ko," nag-aalala ko pang sabi.

"Renren, professional motor racer ang asawa mo. Never pa siyang nasangkot sa aksidente habang nakikipagkarera," aniya kaya muli akong bumuntong hininga.

"Tama ang kaibigan mo, Renesmee. At isa pa, mukhang maingat naman si Zeev kahit na halatang halimaw siya sa pakikipagkarera," pagsali ni Ate Agnella sa usapan namin. Nakaupo siya sa kaliwa ko habang katabi niya si Kuya Ales.

Halimaw nga siya sa pakikipagkarera, halimaw pa siya pagdating sa kama. Napailing ako sa iniisip kong kalandian.

Nandito rin pala sina Ate Agnella para manood ng racing competition ni Zeev. Sa totoo niyan ay narito ang iba sa mga kaibigan ni Zeev, talagang present sila at todo support sa aking mister.

Kagaya na lang ng Hellion Triplets na kahit may personal silang pinagkakaabalahan sa buhay ay nandito pa rin sila upang suportahan ang kanilang kaibigan. Their wife are with them. Oo, their, dahil iisa lang ang asawa ng Hellion Triplets. Paano? Because polyamory relationships exist in their family.

Sa katunayan niyan ay alam ko na ang sikreto ng pamilyang Hellion. Nabanggit iyon ni Zeev sa akin noong nakaraang araw. Pero siyempre, bilang mabuting misis ay hindi ko rin ipagkakalat ang mga nalalaman ko.

Bukas din naman ang isipan ko, hindi ako mabilis manghusga hangga't hindi ko nalalaman ang totoo at buong kwento.

Noong una ay hindi ko maintindihan, pero napag-alamanan ko na tradisyunal daw na nangyayari 'yon sa mga Hellion, lalo na sa mga kambal. Kaya hindi ko jina-judge si Aeliana na ngayon ay may pinapapak na nilagang itlog.

Nakikita ko rin naman na mahal na mahal ng Hellion Triplets si Aeliana, at gano'n din siya. Walang inggitan, walang palamangan. Ramdam kong pantay ang trato at pagtingin niya kina Lorcan na ngayon ay todo alaga at asikaso sa kanya.

Ang iba ay wala dahil busy sila at naiintindihan naman 'yon ni Zeev. Live naman na mapapanood ang racing competition niya kaya walang problema.

"Alam mo kung ano ang dapat mong alalahanin?" muling salita ni Shihan na nagpakunot sa aking noo.

"Ano?"

May nginuso siya kaya sinundan ko ito ng tingin, hanggang sa napunta ang aking tingin sa mga babaeng nakaupo sa harapan namin.

Actually, kanina pa ako naiirita sa kaingayan nila. Panay sila tili at sigaw sa pangalan ni Zeev kahit hindi pa naman nagsisimula ang racing. They are also holding a banner, kung saan mukha ng asawa ko ang naroon.

"Ayan, bantayan mo ang asawa mo. Maraming higad ang nakakalat sa paligid, kaya mas mabuting maging mapagmasid ang mga mata mo," bulong ni Shihan sa akin.

Narinig iyon ni Ate Agnella kaya bahagya siyang natawa.

"She's right, Renesmee. Talasan mo ang iyong mata," pagsang-ayon ni Ate Agnella.

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon