RENESMEE'S
"Pinuputol ko na ang mga napagkasunduan nating dalawa, at gusto ko na putulin mo na rin ang kontrata ninyong dalawa ni Zeev," sabi pa niya sa seryosong boses.
"May na-realize lang kasi ako, hija. Ayokong matulad ang apo ko sa kanyang ama."
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" kunot-noo kong tanong.
Mapait siyang ngumiti. "His parents only had a fixed marriage. It's all my fault, hija. Pinilit ko ang anak kong si Landon na pakasalan ang ina ni Zeev kahit hindi naman niya ito mahal. Ako ang puno't dulo ng lahat," malungkot niyang saad.
I was speechless at what she said.
Fixed marriage lang ang lahat?
"A-Alam na po ba ito ni Zeev?" utal ko.
"Sinabi ko na sa kanya lahat kanina."
Hindi ulit ako nakaimik.
"Kung sakali man na mawala na ako sa mundong ito, gusto ko na maging maayos na ang lahat. Ayokong mangyari sa inyo ang nangyari sa magulang ni Zeev," mahina niyang saad.
"Kaya nakikiusap ako sa 'yo, hija. Putulin niyo na ni Zeev ang napagkasunduan ninyo. Sabagay, tinanggihan na rin naman niya ang mga ipapamana ko sa kanya," sunod niyang sabi kaya naguluhan ako.
"Si Zeev? Tinanggihan niya ang mga mana niya? Bakit naman po?"
Marahan niya akong tinanguan. "Si Zeev naman talaga ang tagapagmana namin ni Hermilando, pero tinanggihan niya lahat ng mga mamanahin niya dahil sa iyo."
Naghalo ang emosyon ko sa aking narinig. Pero hindi mawala-wala ang takot sa aking dibdib dahil gusto na niyang putulin na namin ni Zeev ang napagkasunduan namin.
"I'm afraid that he might end up like his parents. I don't want that to happen again, and I especially don't want you to be the one who gets hurt in the end, hija." Huminga siya nang malalim.
"Nagsisisi ako kung bakit pinilit ko na ipakasal ang anak ko sa ina ni Zeev, kahit hindi naman talaga sila nagmamahalan. Buong akala ko ay matututunan ni Landon na mahalin si Agnes, pero hindi pala. Si Agnes ang umibig sa anak ko, siya lang ang nagmahal." mahaba niyang pagkukwento dahilan para mas lalong bumigat ang aking nararamdaman.
"At g-gusto niyo po na layuan ko siya? Gusto niyong i-iwan ko siya?" I asked tremblingly.
Hindi ko na rin napigilan na maiyak.
Parang hindi ko yata kayang gawin iyon, lalo na't napamahal na ako kay Zeev. Hulog na ang puso ko sa kanya. Bakit ngayon pa ako lalayo, ngayong mahal ko na siya? Kung kailan may nangyari na sa aming dalawa? Ngunit nagtaka ako nang biglang tumawa si Lola Florissa.
"Sino naman ang nagsabi na layuan mo at iwan mo ang apo ko?" At tumaas ang isa niyang kilay.
Lalo akong napaiyak. "Parang gano'n na po ang gusto niyong sabihin, eh."
She laughed at me even more before she held my hand. "That's not what I want, Renesmee. Baka magwala pa ang aking apo kapag lumayo ka sa kanya. Pero alam mo ba kung ano ang sinabi ni Zeev kanina habang magkausap kami?"
"A-Ano po?"
"He said he can give you a good life without asking for help from us. Handa ka niyang iharap sa altar, dahil mahal ka niya. Mahal na mahal ka ng apo ko, Renesmee. He admitted that earlier and he wants your wedding to take place in the church, 'cause he wants to kiss you and say I do in front of the altar. He wants that special moment in his life to be memorable. Kaya gusto niya na lahat ay maayos at planado."
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION