Renesmee Alvarez's
Maganda ang gising ko ngayong umaga dahil isang linggo kaming walang pasok. Tapos na rin naman na ang exam namin kaya wala na akong iisipin pa na iba dahil natapos ko na rin naman na ang mga school works at mga project namin. Ang dapat ko lang na isipin na problema ngayon ay ang kasal na 'yan.
Zeev wants me to marry him. May kasal pa rin na magaganap kahit pa na civil wedding pa ito. Iyon din ang gustong mangyari ni Lola Florissa kaya hindi ko na alam kung ano ang magiging desisyon ko nito.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga, animo'y pasan ko na ang sandamakmak na problema sa mundo. Pero wala na talaga akong choice. Tatanggapin ko na lang ang kagustuhan ni Zeev, pero paano si mama? Tiyak na mabibigla siya kapag nalaman niyang magpapakasal ako kay Zeev.
"Ano'ng gagawin ko?" namomroblema kong tanong kay Bokki na nakahiga sa lap ko, subalit tahimik lang niya akong tiningnan.
I sighed again. Dumako ang tingin ko sa makapal na envelope na nakapatong sa study table ko. Naglalaman 'yon ng pera at paunang bayad ni Zeev sa akin iyon.
Wala naman akong balak na gastusin lahat 'yon para sa sarili ko. I am a selfless woman, kaya plano ko na i-donate ang kalahating pera na iyon sa mga charity kagaya na lamang sa charity para sa mga bata at sa animal shelter na malapit lang dito sa 'min.
"Ready ka na ba?" nakangiti kong tanong kay Bokki. Her tail started to wag, she was obviously excited.
Maaga rin kasi akong gumising ngayon para sa follow-up checkup niya. I want to make sure that she and her babies are safe.
Binuhat ko na si Bokki, binitbit ko na ang mga kailangan kong dalhin. Nilagay ko na rin ang pera na binigay sa akin ni Zeev sa sling bag ko dahil ido-donate ko na rin iyon ngayon sa charity.
Umalis na ako at nagtungo sa Vet Clinic. Kasalukuyan namang nasa palengke sina mama at Tita Bobbie upang magtinda, pati ang mga bata ay sumama na rin sa kanila. Ang pinsan kong si Wayne ang nag-aalaga ngayon kay Bibim, kaya kaming dalawa lang ni Bokki ang magkasama.
Pagkarating sa Vet Clinic ay inasikaso agad si Bokki. Kilalang-kilala naman kami ng may-ari ng clinic na ito, lalo na 'yung beterinaryo dahil dito ko madalas ipa-check up ang dalawa kong alagang aso.
This clinic is not as big as other vet clinics, but it is big enough to treat animals. Bukod pa roon, kumpleto rin sila sa gamot at mga kagamitan. Magaling at may malasakit talaga sa mga hayop ang may-ari ng clinic na ito.
Mabilis lang lumipas ang oras, natapos din agad ang check-up ni Bokki at sinabi naman sa akin ng vet niya na healthy siya at safe naman daw ang mga babies niya. Kailangan ko lang daw paghandaan ang panganganak ng alaga kong aso.
After ng check-up ay dumiretso na ako sa charity upang i-donate ang pera na ibinigay ni Zeev sa akin para sa paunang bayad niya sa 'kin. Una kong pinuntahan ang charity para sa mga bata bago ako nagtungo sa animal shelter na malapit lang sa amin.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION