20

6.7K 473 98
                                    

Renesmee Alvarez's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Renesmee Alvarez's

Wagas ang ngiti ni Maggie nang lumapit siya sa table namin. Ano naman kaya ang ginagawa ng babaeng 'to rito? Hindi pa siya nahiya, talagang naupo pa siya sa isang bakanteng silya kaya pati ang mga kasama namin ay nakatingin na sa kanya. Halata ko rin sa mukha nina Perseus ang pagtataka.

"What are you doing here?" Nakakunot na ang noo ni Zeev nang tanungin niya si Maggie.

Nginitian ni Maggie si Zeev. "Sinundan kita. We need to talk, Zeev. This is important stuff,"

Bahagyang tumaas ang isa kong kilay habang nilalantakan kong kainin 'yong Kung Pao chicken. Hindi rin nakaligtas sa 'kin kung paano sabay na tumingin ang mga kaibigan ni Zeev sa akin.

I just gave them a 'what' look. Bakit naman nila ako tinitingnan? Mukha ba akong may pakialam sa babaeng 'to?

"Talk? In what?" takang katanungan ni Zeev. Halos magdikit na rin ang dalawa niyang kilay. Halata ko rin ang hindi niya pagkagusto na nandito si Maggie.

"About us," walang kautal-utal na sagot ng babaeng ito.

May pagsusumamo rin sa tono ng boses ni Maggie. Kung may paligsahan lang siguro ng pakapalan ng mukha, tiyak na panalo na ang babaeng 'to. Talagang tinawag pa niya ang waiter para umorder ng pagkain niya.

Tiningnan ko naman si Perseus nang lumapit siya ng bahagya sa akin dahil katabi ko lang din naman siya.

"Us? May sila ba?" halos pabulong niyang tanong sa akin. Bakit ako ang tinatanong niya?

Nagkibit-balikat naman ako. "Mukha ba akong may alam tungkol sa kanila? Kayo nga itong kaibigan niya kaya dapat kayo ang higit na may alam," masungit kong sagot sa lalaking 'to.

"Hindi ka ba nagseselos?" tanong niya pa.

"Kailangan ko ba 'yon? Nakakain ba 'yon? Puwede bang igamot sa sakit iyon?" I asked.

Nagseselos? Nakakain ba iyon? Bakit naman ako magseselos? Sa ganda kong 'to, magseselos lang sa isang mukhang ulupong? Nginisian naman ako ni Perseus bago siya lumayo sa akin at nagpatuloy sa kinakain niya.

"About us? Are you serious about that, Maggie? Mukha ba tayong may us? Can't you see that I'm with my girlfriend? Please, have respect for her." I noticed that Zeev was trying to be nice to her, that he wouldn't hurt her with his words.

Naramdaman ko ang kamay ni Zeev na humawak sa isa kong kamay na nakapatong lang sa aking hita. Hindi ko rin napigilan na umangat ang gilid ng aking labi. Oo nga, may sila ba? Bakit maka-akto ang Maggie na 'to ay parang may relasyon sila?

"Yes, we have us, Zeev." may diin niyang sagot. "Nag-date pa nga tayo, remember? At ako ang huling babae na naka-date mo. You only end up with me, right? Tayo lang dapat. I should be the only woman in your life. Hindi iyong kung sino-sinong babae na lang ang dini-date mo. Maganda naman ako, mayaman. Hindi tulad ng iba riyan sa tabi-tabi, poor at chubby na nga, kinulang pa sa height. I can be your beauty queen,"

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon