Renesmee Alvarez's
Mabuti na lang ay hindi sineryoso nina mama at Tita Bobbie 'yung sinabi ni Zeev na boyfriend ko siya kahit hindi naman. Agad ko kasing sinabi na mahilig lang talagang magbiro si Zeev.
Dyusme! Makukutusan ko talaga ang lalaking 'to, balak pa yata akong ipahamak! Ano kaya ang pumasok sa utak ni Zeev para sabihin na nobyo ko siya?
Huminga ako ng malalim. "O, ayan. Tapos na," turan ko kay Tita Bobbie bago ko niligpit ang mga ginamit kong panlinis sa mga sugat niya.
Nagtamo kasi siya ng mga sugat sa braso at leeg dulot ng mga kalmot ni Luz sa kanya kanina. Eh dinaig pa naman ng aswang ang babaeng 'yon sa sobrang haba at talas ng mga kuko niya.
"Sige na, hija. Asikasuhin mo muna 'yung bisita mo. Magluluto lang muna kami ng Tita Bobbie mo para may hapunan tayo," ani mama.
Tango lang ang isinagot ko kay mama.
Mukhang wala pang balak tumayo si Tita Bobbie dahil para siyang tanga na pangiti-ngiti kay Zeev at halata kong kinikilig pa. Ganito naman kasi itong bakla kong tiyahin tuwing nakakakita ng gwapo. Malakas tuloy siyang hinatak ni mama at dinala sa loob ng kusina.
Muli akong bumuntong-hininga. Kami na lang dalawa ni Zeev ang naiwan dito sa sala. Nandito na kasi kami sa bahay. Buti ay hindi sila pinatawag sa Baranggay hall dahil sa nangyari kanina sa palengke.
Pinagsabihan naman sila ni kapitan, pero sadyang hindi pa rin nila maiwasan na magparinigan lalo na ang Luz na 'yon upang inisin si mama at si Tita Bobbie. Sana lang ay huwag na ulit maulit 'yon. Kapag kasi na-provoke si Tita Bobbie ay gaganti talaga siya.
Tiningnan ko naman itong si Zeev na prenteng nakaupo sa sofa. Feel at home ang loko habang kumakain ng mansanas na dinekwat niya sa tindahan nina Luz kanina.
I'm glad na hindi nakita o nalaman ni Luz na si Zeev ang dahilan kung bakit naubos ang mga paninda niya. Sa ginawa nitong si Zeev ay nadagdagan ang paninda ni mama.
"Nandito na tayo sa bahay, sabihin mo na sa 'kin kung bakit gusto mo akong makausap." Wika ko bago ako tumayo. Tinapon ko lang din sa basurahan 'yung mga kalat.
"Let's talk about it in a private place, just the two of us."
Umarko pataas ang kilay ko, "Nasa private place naman tayo, ha? Wala namang makakarinig sa kung ano man ang pag-uusapan natin,"
Lalong umangat ang kilay ko nang may nginuso siya. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko si Tita Bobbie at mama na nakasilip sa pintuan ng kusina, na tanging kurtina lang ang nagsisilbing pangharang. Nabigla naman sila nang mahuli ko sila at mabilis silang nagtago.
Bumuga ako ng hangin.
"Ma, mag-uusap lang po kami sa itaas." Paalam ko kay mama.
"O sige, anak. Ipapatawag ko na lang kayo kapag kakain na," sagot niya.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION