R E N E S M E E ' S
Saktong pagdating namin sa bahay ay saka bumuhos ang napakalakas na ulan. 'Yon nga lang, naabutan naman ng ulan si Zeev. Hindi siya pwedeng bumiyahe nito lalo pa't motor bike ang gamit niya.
"Paano 'yan? Ang lakas ng ulan," nag-aalala kong sabi kay Zeev. Pinagmasdan naming dalawa ang pagpatak ng tubig sa lupa na galing sa madilim na kalangitan.
Hindi ko naman siya pwedeng hayaan na basta na lang lumusong sa ulan. Kargo de konsensiya ko pa kapag nagkasakit siya, o 'di kaya'y kapag may masamang mangyari sa kanya lalo pa't basa ang kalsada.
"Hintayin na niya muna na tumila ang ulan. Kapag tumigil, pwede na siyang umuwi," sabat bigla ni Kuya Kylier na nakaupo sa silya habang abala siya sa kapipindot sa laptop niya.
"Mas mabuti pa na dito ka na lang magpalipas ng gabi, hijo. Baka magkasakit ka pa kapag lumusong ka sa ulan," ani mama na sinang-ayunan ko naman.
"Tama si mama, dito ka na lang magpalipas ng gabi. Bukas ka na lang umuwi," turan ko sa kanya. Wala na siyang nagawa kung 'di ang pumayag na lang.
"Ang mga bata po, 'ma?" tanong ko kay mama.
"Natutulog na sa kwarto kasama ang Tita Bobbie mo."
Hindi na ako nagtanong ulit at pumasok na ako sa loob ng kuwarto ko. Sumunod lang si Zeev sa akin na ngayon ay hinuhubad ang suot niyang itim na jacket.
"Hey, cuties!"
A sweet smile drew on his lips when Bibim and Bokki approached him. Tuwang-tuwa ang dalawa kong alaga, base na rin kung paano mabilis na kumuwag ang buntot nila. Masaya niyang binuhat ang dalawa kong aso bago siya naupo sa kama.
"Pasensya ka na kung hindi pa masyadong maayos ang kuwarto ko, naghahanap pa kasi ako ng pwede kong paglagyan ng mga gamit ko," saad ko.
Pinasadahan niya ng tingin ang mga libro kong nakalagay sa mga box, pati na rin ang iba kong mga gamit na nasa gilid lang.
"Pansin ko na mahilig ka sa mga libro," aniya. Humiga naman ang dalawa kong aso sa kama kaya tumayo siya at nilapitan ang mga libro ko upang tingnan 'yon.
"I am a book lover. Bata pa lang ako ay hilig ko na talaga ang pagbabasa ng libro. Kapag may extra akong pera, bumibili ako ng libro hanggang sa nakahiligan ko na rin ang mag-collect. Isa kasi 'yan sa mga nagpapasaya sa akin," nakangiti kong sagot.
"Really?
Tumango ako habang hindi mawala-wala sa labi ko ang aking matamis na ngiti.
"I also prefer books more than chocolate and flowers. Gusto ko nga sana na magkaroon ng sarili kong kuwarto na puno ng mga libro. Pero saka na, kapag may pera na."
"Bakit hindi mo gamitin 'yung pera na ibinigay ko sa iyo?" he asked. Tinutukoy niya ang pera na paunang bayad dahil sa pagpapanggap naming mag-nobyo't nobya.
"Nakalimutan mo na ba na nag-donate ako sa charity? Halos kalahati n'on ay binigay ko. 'Yung natira, panggastos para kina Bokki at Bibim, pati na rin sa mga bata. Balak kasi ni mama na pag-aralin sina Shane. Kaya naisip ko na ilaan ko na lang 'yung natirang pera para sa pag-aaral nila."
"At wala ka man lang binili para sa sarili mo? Kahit damit man lang, o sapatos?" Nakataas na ang kilay niya.
"Hindi naman kasi ako maluho. At isa pa, mas gusto ko na kapag bibili ako para sa sarili ko ay galing mismo sa pawis ko. 'Yung pinagpaguran ko at pinagtrabahuhan ko," wika ko.
Ilang minuto kaming natahimik. Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Pati photo album ko ay tiningnan na rin niya.
"Ikaw ang nag-drawing nito?" Sabay turo sa nakasabit na picture frame. Isa 'yong drawing, kung saan ang isang bata ay nakasakay sa malaking balloon.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM He is the hottest and most gorgeous man she has ever seen in her entire life. She was 18 years old when she saw him for the first time, and she admits that he was a fine-looking young man. Ngunit dahil sa kalasingan ay munt...