Renesmee Alvarez's
“Salamat sa paghatid,” masaya kong pasasalamat kay Zeev nang maihatid niya na ako sa bahay matapos naming kumain sa restawran kasama ang mga kaibigan niya.
9:30 p.m na rin kasi dahil pagkatapos naming mag-dinner sa labas ay bumalik pa muna kami sa ospital para bisitahin ulit saglit si Lola Florissa bago ako nagpaalam na uuwi na.
Matamis niya akong nginitian.
“You're welcome. Salamat din sa 'yo,”
“Salamat saan?”kunot-noo kong katanungan habang tinatanggal ko ang suot kong seatbelt.
“Salamat sa pagsama sa akin ngayong araw. My grandparents like you, especially si grandma. And thank you for being a listener earlier,” turan niya kaya naman naalala ko ang mga nangyari kanina lalo na 'yong nasa parking lot kami.
I got to know his story, especially his complicated, bitter and painful past. Nalaman ko ang totoong nangyari sa kanyang ina at bilang isang anak ay tiyak na masakit iyon para kay Zeev.
He lost his beloved mother because of his cheater father. He hates his father, he hates him a lot and I know it's hard for Zeev to forgive his own father kahit pa na humingi pa ito ng tawad sa kaniya.
Nginitian ko si Zeev.
“Nah, wala 'yon. Handa naman akong makinig kahit pa gaano ka-drama ang buhay mo. Basta nandito lang ako kung kailangan mo,” sinsero kong sagot sa kanya.
Walang halong biro iyon. Kahit na naiinis ako sa kanya minsan ay kaibigan pa rin naman ang turing ko sa lalaking 'to. We can be friends, right? Lumapad ang ngiti niya bago niya pinisil ang aking pisngi.
“Thank you, love.”
Tango lang ang isinagot ko sa kanya.
“Huwag kang mag-alala, nandito rin naman ako kapag kailangan mo. I'm not as good as Batman, I don't have superpowers like Superman, but I'm ready to be your superhero if you need one. I am willing to help you without asking for anything in return. I'm here, always.” mala-mais niyang sabi kaya mahina akong natawa.
“Corny mo! Ano ka, knight shining armor?”
“I can be your knight even if I don't have armor if you want. Basta huwag kang mahiyang lumapit sa 'kin. I'm always ready to help you,” sagot niya sabay kindat kaya mahina ko siyang nasapok sa braso niya na kanyang ikinatawa.
“Sige na, papasok na ako sa loob. Maaga pa ang pasok ko bukas,” paalam ko.
He gently patted my head. “Alright, good night. Thank you again, love.”
Hindi na ako sumagot, bagkus ay binigyan ko lang si Zeev ng tipid na ngiti bago ako bumaba sa kotse. Tiningnan at kinawayan ko lang siya hanggang sa paandarin na niya ang sasakyan at umalis na.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM He is the hottest and most gorgeous man she has ever seen in her entire life. She was 18 years old when she saw him for the first time, and she admits that he was a fine-looking young man. Ngunit dahil sa kalasingan ay munt...