11

6.6K 470 83
                                    

Renesmee Alvarez's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Renesmee Alvarez's

Natapos na kaming kumain ng hapunan kaya nagpaalam na si Zeev na uuwi na. Nagpasalamat lang din siya kina mama bago ko siya inihatid hanggang sa labas.

"Pasensiya ka na pala sa kanila," nahihiya kong hinging pasensiya sa kanya.

Nginitian niya ako, this time ay umabot na hanggang sa mga mata niya. Hindi tulad kanina na nakangiti nga siya, ngunit halatang hindi siya masaya. Ayoko namang magtanong dahil baka isipin niya na chismosa ako.

"Ayos lang. Masaya nga silang kakwentuhan eh," aniya at tumawa ng mahina.

"Salamat nga pala sa pagkain, nabusog ako. Pakisabi na lang sa mama mo na masarap siyang magluto," wika niya kaya nakangiti ko siyang tinanguan siya. Masaya ako na nasarapan siya sa luto ni mama. Halata namang nagustuhan niya 'yung nilutong ulam dahil siya ang nakaubos n'on.

"At tungkol sa napag-usapan natin,"

"Oo, hindi ko makakalimutan 'yon."

"You will still accept my offer because you have no other choice, love." He laughed so I rolled my eyes.

"Can you please stop calling me love? Muntik mo na akong ipahamak kanina ha! Baka kung ano pa ang isipin ng mama ko sa 'tin!" Asik ko bago ko siya mahinang nasuntok sa braso niya.

As usual, ako ang nasaktan dahil may katigasan ang kanyang braso. Buti na lang ay nasa loob sina mama at Tita Bobbie. Maaga kasi sila magpapahinga ngayon dahil maaga rin silang gigising bukas. Pero tama si Zeev, wala akong choice kundi tanggapin na lang ang offer niya. He blackmailed me, so I will still pretend to be his girlfriend no matter what.

"But seriously speaking, it's just our secret. Wala kang ibang pagsasabihan na nagpapanggap ka lang na nobya ko. Wala ring dapat makakaalam tungkol dito, bukod sa 'ting dalawa. We only pretend when we are in front of my grandparents. Naiintindihan mo ba?"

I nodded my head, "Oo na, naiintindihan ko. H'wag ka na magpaulit-ulit," masungit kong sagot.

He just laughed softly at me before putting on his helmet. Sumakay na rin siya sa Ducati niya bago niya pinagana ang makina. Hindi ko naman mapigilan na mapatitig sa kanya.

Dang! He is so damn hot and attractive. Hindi ko na alam kung ilang beses ko na ba nasabi ito. Sa tangkad niya at laki ng katawan ay hindi siya nahihirapan sa motor niya. Nagfi-flex pa ang biceps niya. He really has a good physique that makes him look attractive.

Naalala ko tuloy bigla 'yung jacket niya.

"Iyong jacket mo pala, lalabahan ko na lang bago ko isauli sa 'yo," sabi ko. Narinig naman niya ang sinabi ko dahil hindi pa naman nakababa 'yong shield ng helmet niya.

"No, it's okay. Sa iyo na 'yon. Mabango naman 'yon kahit hindi mo labahan ng isang taon. Amuyin mo na lang kapag namimiss mo ako," he replied before chuckling mischievously.

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon