Renesmee Alvarez's
Halos takbuhin ko na ang dinadaanan ko, makarating lang agad sa bus stop. Tinanghali na ako ng gising dahil sa tinapos ko pa ang mga labahan ko kagabi. Ayoko naman na si mama ang maglaba dahil alam kong pagod siya sa pagtitinda sa palengke. Kaya ako na ang naglaba ng mga damit namin dahil kaya ko naman ang maglaba.
Sa pagmamadali ko ay hindi pa ako nakakapagsuklay ng buhok ko na basang-basa pa. Wala na akong pakialam kung magmukha akong bruha nito. Kung bakit ba kasi ngayon pa nasira 'yung bike ko. Mabuti na lang pagkarating ko sa bus stop ay saktong may humintong bus na dadaan sa school namin kaya agad akong nakasakay. Hindi pa naman punuan kaya matiwasay akong umupo malapit sa bintana.
Nagbayad lang din ako sa konduktor bago ako nagpasyang suklayin ang basa kong buhok. Hindi naman kasi kami mayaman upang magkaroon ng sariling family driver na maghahatid sundo sa akin sa school.
Hindi rin naman ako maihahatid ni Tita Bobbie sa school dahil ginagamit nila sa palengke 'yong sasakyan namin, lalo na kapag kukuha sila ng mga supply na tinitinda nilang dalawa ni mama, especially ang mga gulay at isda.
Iyon lang naman kasi ang pinagkakaabalahan na trabaho nilang dalawa. Maaga naman ang uwi ko mamaya, kaya didiretso ako roon sa palengke para tulungan sila. Malakas pa naman ang bentahan sa palengke tuwing umaga at hapon.
Habang nasa bus pa ako at hindi pa ako nakakarating sa school namin ay nag-ayos muna ako ng sarili. Naglagay lang din ako ng light make up upang magmukha akong presentable tingnan.
While I was putting lipstick on my lips, I felt as if someone was watching me. Hindi ko sinasadya na tumingin sa labas ng bintana, nakahinto pala ang bus pati ang ibang mga sasakyan.
Doon ay nakita ko ang isang itim at mamahalin na Ducati na katapat lang nitong bus na sinasakyan ko, kung saan ang driver niyon ay nakatingin mismo sa akin. As in nakatingin sa akin.
Why is he looking at me?
Masyado na ba akong maganda para tingnan niya ako ng ganiyan? Hindi ko napigilan na taasan siya ng isa kong kilay. He didn't even move a bit, he didn't flinch either. He was actually looking at me like I had dirt on my face. Masama na ba maglagay ng make-up ngayon?
Hindi naman na ako highschool student eh. Hindi na rin ako bata. Second year college na ako at gusto ko lang na magmukhang presentable, hindi 'yung mukha akong dugyutin. Sa katunayan niyan ay malapit na ang kaarawan ko.
"What?" I mouthed to him.
Nananatiling nakataas ang isa kong kilay sa kanya. Wala akong pakialam kung magmukha akong masungit. Ang ayoko lang ay tinitingnan ako ng estranghero. Baka kasi mamaya ay miyembro siya ng sindikato.
Wala naman akong nakuhang sagot sa kanya. Kahit sumagot siya ay hindi ko rin naman siya maririnig dahil nakasakay ako rito sa bus at siya ay nasa motor niya.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION