10

6.9K 486 67
                                    

Renesmee Alvarez's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Renesmee Alvarez's

"Huwag mong kalilimutan 'yung pinag-usapan natin, ha?" Paalala ni Zeev sa 'kin. Pababa na kami ngayon dahil gabi na at kailangan na rin daw niyang umuwi.

Iyon lang naman kasi ang sadya niya kaya niya ako hinanap at gustong makausap. Didiretso pa raw siya sa hospital kung saan naka-admit ang lola niya. Siya rin ang magbabantay sa lola niya ngayong gabi upang makapagpahinga naman ang lolo niya na nagbabantay rin sa lola niya.

"Oo, hindi naman ako makakalimutin." Nakabusangot kong sagot sa kanya. He blackmailed me, as if I had a choice.

"Hanggang bukas lang ang ibibigay kong palugit, okay? Ngayon palang ay dapat pag-isipan mo na ang magiging desisyon mo," aniya.

"Pag-iisipan ko pa ba kung binlackmail mo na ako?" Masungit kong saad kaya natawa siya ng mapakla.

He pinched my left cheek, "Sungit mo naman. Pasalamat ka, maganda ka. Kaya hindi ako nagsisisi na lumapit sa 'yo eh," nakangiti niyang sabi.

Nag-init naman ang buo kong mukha dahil sa sinabi niya. Sinampal ko lang din 'yung kamay niya para tigilan na niya ang pisngi ko. Kanina ko pa kasi napapansin ang panay ang pisil niya sa pisngi ko na animo'y nanggigigil.

Palibhasa kasi ay may pagka-chubby ang pisngi ko. Food is life kasi ako. Hindi uso sa 'kin ang diet, pero buti na lang ay hindi ako tumataba.

"Nariyan na pala kayo, buti ay bumaba na kayo. Halina't kakain na. Katatapos ko lang magluto at nakahanda na rin sa hapag 'yung mga pagkain," ani mama na naabutan naming nasa sala.

Kasama niya si Tita Bobbie pati ang pinsan kong si Wayne na masipag sa pag-aaral dahil kahit gabi na ay nagsusulat pa rin siya sa notebook niya. Siguro ay tinatapos lang niya ang mga takdang-aralin niya.

"Oh shit!" Bulalas bigla ni Zeev nang lumapit sa kanya sina Bibim at Bokki. Nagtago pa siya sa likod ko pero nilapitan pa rin siya ng dalawa kong cute na aso.

"Ano ka ba, huwag ka ngang matakot diyan. Aamuyin ka lang nila," nakabusangot kong turan sa lalaking 'to. At ayon na nga, inamoy lang siya ng dalawa kong maliit na alagang aso. Hindi naman siya kinagat o tinahulan. They smell him while wagging their tails.

"Eh baka manakmal eh!" Takot na takot niyang sabi kaya napabuntong-hininga na lang ako. Binuhat ko sina Bibim at Bokki bago ko iniharap kay Zeev ang mababait kong aso.

"See? Hindi sila nangangagat. Kumakawag pa nga ang buntot nila. They like you," sambit ko.

Natigilan si Zeev, halos hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya habang nakatitig siya sa dalawa kong aso. Tila gusto nina Bibim at Bokki na lumapit sa kanya. Mababait naman kasi talaga ang mga aso, loyal din sila.

Nasa amo na rin kasi iyon kung paano nila tratuhin, alagaan at i-training ang mga alaga nilang pets kung paano sila magiging behave at masunurin. And I'm not like those irresponsible owners. Malaki ang pagpapahalaga at pagmamahal ko sa mga aso, may breed man o wala.

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon