Renesmee Alvarez's
"Maraming salamat sa tulong at donasyon ninyong dalawa. Sobrang malaking tulong na ito sa animal shelter namin, lalo na't may mga bago rin kaming mga ni-rescue," masayang turan ni Ate Dayan sa 'min. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang labis na kagalakan.
Matamis ko siyang nginitian. "Walang anuman po 'yon, Ate Dayan. Kapag po may kailangan kayo, huwag po kayong mahiyang magsabi sa akin. Tutulong po ako hanggang sa maabot ng aking makakaya,"
"Salamat talaga, Renesmee. Pakisabi na rin kay Sir Zeev na salamat,"
Tumango ako. Naghihintay kasi sa akin si Zeev sa labas.
"O s'ya, hindi na po kami magtatagal dito. Uuwi na po kami," paalam ko.
"O sige, mag-iingat kayo."
Tango lang ang isinagot ko sa kanya bago ko siya talikuran. Nilapitan ko si Zeev na buhat pa rin si Bokki. Nakapagtataka dahil kanina pa nakasimangot ang lalaking ito. Halos magdikit na rin ang dalawa niyang kilay. Ano kaya ang nangyari sa kanya? 'Yung itsura kasi ng mukha niya ay hindi na maipinta. Hindi ko alam kung bipolar ba siya, pabago-bago kasi siya ng mood.
"Uuwi ka na, Ren?" Narinig ko ang boses ni Louie at nagmamadaling lumapit sa akin.
"Ihahatid na kita," dagdag niya.
"No need. Nakikita mo naman siguro ako, 'di ba? Nandito naman ako na fiancé niya," ani Zeev at bawat bigkas niya ay may kasamang diin.
"Fiancé?" Kumunot ang noo ni Louie.
Zeev smiled and pulled my waist closer to him kahit pa na buhat ng isa niyang kamay si Bokki. Heto namang aso ko ay tinahulan si Louie bago siya nag-growl na parang handa na siyang manakmal. Parang galit na galit itong aso ko kay Louie.
Ang liit-liit na aso pero matapang. Dahil ba sa buntis itong alaga kong aso? Naiirita ba siya?
"Yes, fiancé. We are getting married so back off. Hindi ba't may girlfriend ka na?" seryosong saad ni Zeev sa kanya.
"Daisy and I broke up---"
"And so? Do I look like I care?"
Hindi naman ako makasali sa usapan nilang dalawa. Ang seryoso kasi talaga ng mukha ni Zeev. Yes, I know he's playful. But he doesn't seem to be in the mood to be mischievous right now.
Pero hindi ko akalain na wala na pala si Louie at Daisy. Ano naman kayang dahilan ng paghihiwalay nila? Marahil ay sukang-suka na si Louie sa babaeng 'yon.
Sabagay, sino ba ang magtatagal sa babaeng iyon, eh ang sama ng ugali niya. Kaya pala ganito na lang kalakas ang loob ni Louie na lumapit sa akin, na kausapin ako dahil wala na silang dalawa ni Daisy.
"Know your boundaries, dude. Hindi porke't hiwalay na kayo ni Daisy ay lalapit ka na sa fiancé ko. Stop acting like you didn't do anything bad to my girl before. You just look like stupid, fucking trash, trying hard to get my wifey's attention."
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION