RENESMEE'S
Simple lang naman ang naging selebrasyon ng birthday ko at okay na sa akin 'yon. Masaya ako na magkakasama kaming kumain. Ngunit ngayon ay pabalik na kami ni Zeev sa Maynila dahil sa nangyari kay Lola Florissa. She passed out this morning because of Maggie. At isa pa ay may pasok na ako sa Lunes, kaya kailangan ko ring bumalik ng Maynila.
Maggagabi na nang makarating kami ni Zeev sa ospital. Dumiretso kami sa ward room ni lola after naming magtanong sa nars na nasa information desk. Hawak niya ang aking kamay habang paakyat kami sa itaas. Ramdam ko ang kaba at pag-aalala sa kanya.
Pagkarating namin ay sinalubong naman kami agad nina Lolo Hermilando. Nasa labas sila ng silid at naghihintay kasama ang Daddy ni Zeev, pati na rin sina Archer. Narito rin si Maggie, at may mga kasama siya pero hindi ko kilala. Inirapan pa niya ako, pero hindi ko na lang siya pinansin pa.
"Si lola?" tanong agad ni Zeev.
"She's still inside. Chini-check pa siya ng Doktor," nag-aalalang sagot ni lolo.
Marahas na bumuntong hininga si Zeev bago siya galit na tumingin sa gawi ni Maggie.
"What have you done?" Nasa tinig niya ang matinding galit. Kung hindi lang siya nagtitimpi, baka nasaktan na niya ang babaeng ito.
Pero mukhang wala sa bokabularyo niya ang magpasindak dahil hindi man lang siya natakot sa ipinapakitang ekspresyon ni Zeev ngayon.
"I know the truth, Zeev. Narinig ko mismo kay Lola Florissa na nagpapanggap lang kayong dalawa ng babaeng ito," aniya at tinuro ako.
Natigilan si Zeev. Alam ko na hindi siya nagulat sa nalaman ni Maggie ang totoo, nagulat siya at nagtataka kung paano nalaman ni Lola Florissa na nagpapanggap lang kaming may relasyon. And I haven't mentioned it to him yet, na may alam na si lola pero pinili lang naming itago sa kanya.
"Totoo ba ang sinasabi ni Maggie? Nagpapanggap lang kayong dalawa ni Renesmee?" tanong ng Daddy Landon niya.
"Kaya ba si lola ang kinausap niyo, at sinama mo pa ang magulang mo? To force her na pakasalan kita?" Ani Zeev at hindi niya pinansin ang kanyang ama na nagtatanong.
'Yon ang nakarating sa amin na balita. Sumugod daw si Maggie kay Lola Florissa kanina, kasama ang magulang niya upang pagpilitan ang gusto niya. Nagtalo sila hanggang sa hindi nakayanan ni lola. Nahilo ito at bigla na lang nawalan ng malay.
"Yes, nagsumbong ako sa parents ko. Because I can't accept the fact that you chose that girl over me! Pinagpalit mo ako sa babaeng..."
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil nandidiri pa muna niya akong tiningnan. I felt insulted by the way she looked at me. Parang sa mata niya ay isa akong basura.
"... sa babaeng wala namang maipagmamalaki! To the girl who is nothing, and smells like stinky fish! Inagaw ka naman niya talaga sa akin, eh!" tuloy niya sa kanyang sasabihin.
Oh, god. May sayad na ba talaga siya sa utak?
Lumapit siya kay Zeev at hinawakan ang isa niyang kamay. Nagmamakaawa rin ang kanyang mukha.
"Please, ako na lang. Iwan mo siya, ako ang piliin mo. Hindi ako papayag na mawala lahat ng mga pangarap ko. Sa una pa lang, gusto na kita. Ikaw ang pinangarap ko! Ikaw lang ang gusto ko! Kaya please, pakasalan mo ako," she begged.
She looks crazy and overly obsessed.
Medyo natatakot na rin ako sa kanya, and at the same time ay naaawa na rin ako. Hindi siya dapat nagmamakaawa na piliin siya ng lalaki, na siya ang piliin na mahalin.
Zeev pushed her away from him.
"Please, Maggie. Paulit-ulit ka na lang. I'm sick of you being delusional! I'm tired of your game, and I'm also tired of your being immature! Grow up! Huwag mong sisisihin si Renesmee kung bakit siya ang mahal ko. Hindi niya ako inagaw, at mas lalong walang pinagpalit. Dahil sa una pa lang, siya na ang pinili ko," mahabang turan ni Zeev.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM He is the hottest and most gorgeous man she has ever seen in her entire life. She was 18 years old when she saw him for the first time, and she admits that he was a fine-looking young man. Ngunit dahil sa kalasingan ay munt...