Renesmee Alvarez's
Kahit kinakabahan at nahihiya ay nagawa ko pa rin na ngitian ang matandang ginang na nasa loob ng ward room. It is obvious that she is Zeev's grandmother. She also gave me a warm smile and I felt relieved dahil mukha naman siyang mabait.
Ngayon ko nga lang din napansin na ang daming mga pagkain na mga nakabalot pa at halatang bagong bili. This ward room is also spacious. Kumpleto rin sa mga gamit at para lang itong apartment na may banyo na, may TV, sofa at may mini kitchen pa.
"Kaibigan ka ba ni Zeev, hija?" Nakangiti niyang tanong sa 'kin.
Huminga ako ng malalim, "Magandang araw po, ma'am." Magalang kong bati sa kanya.
"Uhm, ako po si Renesmee, girlfriend po ni Zeev." Pagsisinungaling ko. I don't want to lie to her but I have to, dahil napag-usapan na namin ito ni Zeev at nasa kontrata rin namin na magpapanggap akong nobya niya. It's only one month.
"Oh, so it's you!" Masaya niyang sabi na parang nabigla pa. "My grandson has told me many stories about you, hija!"
Ngumiti lang ako. Talaga? Hindi ko akalain na naikukuwento ako ni Zeev sa lola niya. But I'm still nervous. Takte, bakit ba kasi kabado ako samantalang peke at nagpapanggap lang naman akong girlfriend ng kolokoy na si Zeev?
"Bakit nandiyan ka pa sa labas ng pinto?" Natatawa niyang tanong. "Tara rito, hija."
Tumalima naman ako agad. Pumasok ako sa loob at sinara ang pinto bago ako lumapit sa kanya.
"Maupo ka,"
Sumunod ako sa kanya at naupo sa silya na nasa gilid lang ng hospital bed. Medyo naiilang ako dahil nakangiti siyang nakatingin sa 'kin. Tila inoobserbahan niya ang aking mukha. Wala naman sigurong dumi sa mukha ko, 'no? Sana naman bumalik agad si Zeev!
Dyusme! Malalagot siya sa akin kapag hindi niya ako binalikan dito. Alam naman niyang kinakabahan ako na humarap sa lola niya.
Saan na kaya siya napadpad? Curious tuloy ako kung sino ang mga babaeng humabol sa kanya kanina. Siguro ay mga nakalandian niya noon? Ewan, hindi ko alam.
"Zeev told me you were beautiful. But I didn't expect na mas maganda ka pala sa personal. Magaling pumili ang apo ko," puri niya na nagpa-blush sa akin.
I laughed softly at her, "Hindi naman po, ma'am. Mas maganda nga po kayo eh," I said shyly, causing her to laugh weakly.
"Aba'y binola mo pa ako," aniya kaya pareho kaming natawa.
"Nabanggit po sa 'kin ni Zeev ang nangyari sa inyo, kumusta naman po ang pakiramdam niyo?" I dare to ask upang magkaroon naman kami ng topic at hindi ako ma-awkward sa kanya.
I try to calm myself down because my heart is beating fast and so that she doesn't notice that I'm nervous. Mukha naman siyang mabait sa totoo lang, pero parang siya iyong tipo ng grandma na may pagka-strikta.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM He is the hottest and most gorgeous man she has ever seen in her entire life. She was 18 years old when she saw him for the first time, and she admits that he was a fine-looking young man. Ngunit dahil sa kalasingan ay munt...