4

9.1K 505 90
                                    

Third Person's

"Kumusta si Lola Florissa?" Paunang tanong ni Wyatt sa kanya bago ito naupo sa kanyang tabi.

Kasama niya ito ngayon at kasalukuyan silang nasa Alastair Hospital. Nakaupo sa bench na nasa labas lang ng private ward room na ginagamit ngayon ng lola niya. Ang ospital na ito ay pagmamay-ari ng isa sa mga matalik nilang kaibigan, si Conan.

Si Wyatt lang din ang kasama niya ngayon dahil ang ilan sa mga kaibigan niya ay busy pa sa kani-kanilang mga trabaho. Pupunta naman ang mga kaibigan niya mamaya upang bumisita at mangamusta.

Malalim na bumuntong-hininga si Zeev. Hawak niya ang test result na kabibigay lang ng Doktor sa kanya kanina para mayroon siyang kopya.

"She was still inside, sinabi ng Doktor na hindi muna siya pwedeng ma-discharge. The Doctor also requested that she stay here for a few more days. Kailangan pa raw niya kasi na masuri pa, especially since she's sick and it's getting worse," seryosong sagot ni Zeev sa kaibigan.

"She'll be fine, Zeev. Mas mabuti na rin na nandito ang lola mo sa ospital para lagi siyang nasi-check ng mga Doktor," sagot nito sa kanya.

"She has been here for a week. Gusto na nga niyang umuwi pero hindi siya pinapayagan ng Doktor na naka-assign sa kanya," sambit niya at muling napabuntong-hininga.

Problemado talaga si Zeev ngayon. His grandmother has been in the hospital for almost a week. She's sick and that's what Zeev can't quite believe.

Nang malaman niya na may leukemia ang kanyang lola ay hindi na siya umalis sa tabi nito. Akala niya no'ng una ay jino-joke lang siya ng kanyang Lola Florissa at kasabwat nito ang mga Doktor.

Minsan na rin kasi siya nabiktima ng lola niya. Niloko na siya nito noon nang sabihin nito na isinugod ang lola niya sa ospital at sinabi pa nito sa kanya na may sakit itong kanser. Pero iyon pala ay wala. His grandmother lied to him.

Mabuti na lang ay kakatapos lang niya sa motor racing that time kaya halos paharurutin niya ang kanyang motor, makarating lang agad sa ospital na pinagdalhan sa lola niya.

Iyon pala ay niloko lang siya ng kanyang lola para lamang makita siya at pilitin na makipag-date sa Doktora na nakilala lang ng kanyang lola.

Nagalit siya noong una. Masamang biro kasi iyon sa kanya. Kahit sino naman ay maiinis at magagalit kapag biniro sila ng ganoon. That's not a good joke.

Nag-alala siya at natakot dahil akala niya ay kung ano na ang nangyari sa lola niya. Maka-lolo't lola pa naman siya. He grew up with his grandparents and he doesn't want anything bad to happen to them.

Kaya hindi siya agad naniwala nang sabihin ng Doktor sa kanya noong isang araw na may leukemia ang Lola Florissa niya. Hindi naman siya masisisi ng kanyang lola kung hindi siya agad naniwala.

His grandmother often jokes with him and lies to him. Not just once, but several times. He didn't want to believe that his loving grandmother had leukemia and that it would get worse if it wasn't treated right away.

But Zeev also believed later when he saw that they were serious and not joking. The doctor showed him that his grandmother was indeed sick. Isa na sa magpapatunay niyon ay ang mga lumabas na test result na ipinakita sa kanya. Ngayon ay hawak niya ang isang kopya ng laboratory test result ng Lola Florissa niya.

Acute Lymphoblastic Leukemia, iyon ang lumabas sa resulta ng kanyang Lola Florissa. Nasa Stage 2 na siya, but she has to undergo some necessary treatment before it gets worse.

Kailangan ding sumailalim sa chemo ang lola niya. At dahil may edad na ang Lola Florissa niya ay nag-request mismo ang Doktor na manatili muna ang lola niya sa ospital upang mabantayan siya at ma-check ang kondisyon niya.

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon