34

5.9K 432 68
                                    

RENESMEE ALVAREZ'S

Sana panaginip na lang ito. Sana hindi na lang ito totoong nangyari. Pero kahit ano'ng hiling ko ay totoo ang mga nangyari at nakikita ko sa paligid ko. Naapula na ang apoy, ngunit hindi na namin naisalba ang aming nirerentahan na bahay.

Naiyak na lang din ang may-ari dahil limang bahay ng apartment niya ang tinupok ng apoy. Walang natira, lahat ay naging abo na.

We are also just outside with a heavy heart. Nanghihina kaming lahat. Wala na lahat ng mga gamit namin. Mga mahahalaga lang namin na gamit ang naisalba nina Kuya Kylier. Pero malaki ang pasasalamat namin na walang nasaktan. Mahigit dalawang oras din ang itinagal bago naapula ng mga bumbero ang apoy.

"Hey,"

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko si Zeev. Agad na nagsalubong ang kilay ko nang mapansin ko kung ano ang mga bitbit niya. Mga ilan kong mga gamit, kagaya na lang ng music box ko, yung frame kung saan 'yung drawing ko na batang nakasakay sa malaking balloon, pati ang school bag ko.

"Teka, paanong..."

"Ito lang 'yung mga naisalba kong mga gamit mo," turan niya kaya napamaang ako.

"Binitbit mo ang mga 'yan?"

Nasa tinig ko ang hindi lubos makapaniwala. Sa sobrang taranta ko kanina ay hindi ko na naisip na bitbitin ang mga gamit ko. Mas inuna kong iligtas ang mga alaga kong aso, pati sina mama kaysa sa mga personal kong mga gamit.

Tinanguan ako ni Zeev. "Mahahalaga sa 'yo ito kaya naisip ko agad na isalba para hindi madamay sa sunog. Pasensya na kung hindi ko naisalba ang ilan mong mga gamit, lalo na ang mga libro mo," aniya kaya malalim akong bumuntong hininga.

"Hindi mo naman kailangan na gawin 'yon. Paano kung may masamang mangyari sa iyo?" turan ko na may halong inis.

Hinatak ko siya at pinaupo sa tabi ko. I also checked his body. Wala naman siyang kahit na anong sugat, paso o lapnos galing sa sunog kaya nakahinga ako nang maluwag. Silang dalawa kasi ni Kuya Kylier kanina ang naghakot ng iba naming mga gamit.

And speaking of Kuya Kylier. Kasalukuyan niyang kausap ang mga bumbero. Nagtatanong siya kung saang bahay ba nagsimula ang sunog at kung ano ang naging dahilan. Naapula naman na ang sunog kaya nagkakaroon na ng imbestigasyon.

"Saan na po tayo pupunta ngayon, ate? Wala na po tayong bahay," malungkot na katanungan ni Shane na nakaupo rin sa tabi ko. Nasa bisig niya si Bibim na natutulog. Pati sina mama ay narinig ang tanong ng bata.

"Kung bumalik na lang kaya tayo sa dati nating bahay?" suhestiyon ni Tita Bobbie. Buhat niya si Jingjing na natutulog sa balikat niya.

Umiling si mama. "Hindi tayo babalik doon. Mas mabuting doon na muna tayo sa probinsya,"

"Bahay natin 'yon, kaya dapat lang kayong tumira roon," sulpot bigla ni papa kaya lahat kami ay tumingin sa kanya. Halata kong nagmadali siya dahil hinihingal pa siya at puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.

"Ang mga bata? Nabalitaan ko na nagkaroon ng sunog dito sa inyo kaya agad akong nagpunta rito," paliwanag niya.

"Ayos lang ang mga bata. Salamat sa Diyos at ligtas kaming lahat," salita ni mama.

"Ano ba'ng nangyari? Nalaman na ba kung bakit nagkasunog?" pagtatanong ni papa.

"The fire happened on purpose," salita bigla ni Kuya Kylier.

Nangunot ang noo namin.

"Ano'ng ibig mong sabihin, kuya?" I asked.

"Wala naman daw na naiwang nakasinding kandila, sirang kable, overheat na appliances, or anything. Siniguro naman daw ng may-ari ng apartment, pati ng mga kapitbahay na walang naiwan na nakasaksak sa mga outlet, o nakabukas na gas stove na maaaring magsimula ng sunog," mahaba niyang sabi.

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon