7

6.8K 520 132
                                    

Renesmee Alvarez's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Renesmee Alvarez's

Pinakiusapan ko lang si Zeev na dumaan muna kami sa palengke dahil 'yon naman talaga ang balak ko pagkatapos ng klase. Tinuro ko lang din sa kanya ang daan papunta roon hanggang sa makarating kami. Malapit naman ang bahay namin sa palengke, kaya walang problema.

"Salamat. Dadaanan ko lang muna 'yung mama ko rito sa palengke bago tayo dumiretso sa bahay namin," pasasalamat ko kay Zeev nang matanggal ko ang helmet na suot ko. Bumaba rin ako agad sa motor niya.

Pinagmasdan niya ang paligid namin. Maingay at maraming tao dahil nga nasa palengke kami. May mga nagtitinda rin sa mga gilid-gilid, may nagtatawag ng mga mamimili para makabenta sila at syempre, hindi mawawala ang mga nagchi-chismisan.

Bukod pa roon ay malansa ang amoy sa palengke dahil na rin sa mga tinitindang mga karne at isda. Medyo basa rin ang kalsada at masikip ang daan dahil nga sa maraming mamimili ang narito ngayon sa palengke.

"Dito ba nagtatrabaho ang mama mo?" Tanong niya nang makababa siya sa Ducati niya.

Tumango ako, "Katuwang ng Tita Bobbie ko si mama sa pagtitinda ng palengke. 'Yon kasi ang pangunahing hanapbuhay nilang dalawa,"

Hindi naman na siya ulit nagtanong pa. Masyado kasi siyang abala sa kakatingin sa paligid niya. Para bang first time niyang makarating sa ganitong klaseng lugar. Halata naman iyon sa reaksyon ng mukha niya. Sabagay ay mukha naman siyang anak mayaman.

"Hihintayin mo na lang ba ako rito sa motor mo?" I asked. Binigay ko na rin sa kanya ang helmet na ginamit ko.

"No, I will come with you. I want to meet your mother out of respect for her," wika niya.

I sighed, "Sabihin mo nga sa 'kin, ano ba talaga ang sadya mo sa akin at bigla mo na lang akong gustong makausap?"

Naku-curious na kasi talaga ako. Bigla na lang siyang susulpot at sasabihin na gusto niya akong kausapin. Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin? At ano ang sadya niya at bakit gusto niya akong makausap?

"I told you earlier, I will only tell you why I want to talk to you when we are at your house. That's important so it should be discussed in a private place,"

Muli akong bumuntong-hininga at napatango na lang ng ulo. Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan. Medyo nahihiya pa nga akong humarap sa kanya because of what happened between us at Hemera Paradise. Hindi ko makalimutan iyon. Siya kaya? Nakalimutan na kaya ni Zeev 'yon?

Natigilan naman ako nang maalala ko na basta ko na lang siyang iniwan noong gabing iyon dahil tumawag si Kuya Kylier sa 'kin. Oh crap! Hindi pa nga pala siya nakakaraos that time, 'di ba?

Kaya ba niya gusto akong kausapin ay para mapag-usapan namin ang bagay na iyon? Galit kaya si Zeev sa akin dahil hindi pa siya nakakaraos, tapos basta ko na lang siyang iniwan that night?

"Bakit natahimik ka yata?"

Umangat ang ulo ko upang tingnan si Zeev. Nakakunot na ang kanyang noo habang nagtataka siyang nakatitig sa akin. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko bago ako bahagyang lumapit sa kanya.

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon