R E N E S M E E ' S
Palabas pa lang ako sa bahay ay tanaw ko na agad si Zeev na naghihintay sa akin sa labas ng gate. Nakaupo siya sa motorbike niya habang ang braso niya'y naka-krus. Agad na tumaas ang kilay ko dahil sa pormahan niya ngayon. Naka-all black siya at nakasuot ng itim na sunglasses.
"Kung kailan naman malapit na lumubog ang araw ay saka ka naman nag-sunglasses," puna ko sa kanya.
He chuckled and kissed my cheek.
"Para ako lang ang pogi sa paningin mo," malandi niyang sagot kaya nairolyo ko lang ang mata ko pero deep inside ay kinilig ako. Gwapo naman siya kahit ano pa ang isuot niya.
Kinuha ko lang sa kanya 'yung helmet. Akma ko na sana itong susuotin nang bigla niya akong pigilan.
"Bakit?" kunot-noo kong tanong.
Tinitigan niya ako. "Umiyak ka ba?"
Hindi ako agad nakasagot. Masyado bang halata sa itsura ko na galing ako sa pag-iyak?
"Hindi ha," pagsisinungaling ko. Hindi ko rin siya magawang tingnan sa kanyang mga mata.
"Don't lie to me. You cried and it was obvious in your puffy eyes. Tell me, sino ang nagpaiyak sa 'yo?" seryoso niyang tanong.
"Wala nga, 'wag ka na makulit."
Pilit pa rin niya akong tinitingnan sa aking mga mata, pero ako itong umiiwas ng tingin.
"Is it about your father?"
Natahimik ako. Ilang segundo ang lumipas bago ako marahan na tumango. Nang tingnan ko siya ay puno 'yon ng pag-aalala.
Peke ko siyang nginitian. "Tara na nga. Baka naghihintay na si Lola Florissa sa 'tin. Ako pa ang magluluto ng dinner natin," sabi ko na lang para makaiwas ako sa mga tanong niya.
Wala naman na siyang nagawa kaya sinuot na namin ang aming helmet. Pagkasakay sa motorbike niya ay saka kami umalis.
Naging mabilis lang ang biyahe namin at ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami agad sa bahay ng grandparents niya. Pinagbuksan lang kami ng gate ni manong guard kaya nakapasok kami sa loob.
Nang makababa ako sa motor ay namamangha kong pinagmasdan ang malaki at mala-mansyon na bahay na nasa harapan ko ngayon. I couldn't believe that I would see such a big, beautiful and elegant house right in front of my eyes.
"Let's go," aya ni Zeev matapos niyang makuha sa akin ang helmet.
He took my hand and intertwined it before we went inside. Kung maganda sa labas, mas maganda naman sa loob. Nangingintab din ang sahig, malinis, at may malawak na living room. Meron din silang chandelier at mga gamit na halatang mamahalin.
"Please tell grandma that Renesmee and I are here," utos ni Zeev sa isa nilang kasambahay. Tumango ito at pumanhik sa itaas.
"Grabe, ang laki pala ng bahay ninyo," I said and I really couldn't stop myself from being amazed.
"I rarely sleep here," aniya.
"Bakit naman? Ang ganda nga nitong bahay ninyo, eh."
"I have my own house, love. At isa pa ay gusto ko rin maging independent at mamuhay na mag-isa,"
"Talaga lang, ha? Ang hirap kaya na walang kasama sa bahay. Masyado pang boring," sabi ko habang tinitingnan ko pa rin ang kabuuan ng bahay nila.
"Ang sabihin mo ay hindi mo lang madala ang mga babae mo rito kaya nagpatayo ka ng sarili mong bahay," nasabi ko sa mahinang boses ngunit mukhang narinig niya 'yon.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION