24

6.2K 440 64
                                    

Renesmee Alvarez's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Renesmee Alvarez's

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga napag-usapan naming dalawa ni Lola Florissa. Zeev knew nothing about it, lalo na sa mga napag-usapan namin ng lola niya.

Ayaw rin naman ni Lola Florissa na banggitin ko ito sa apo niya --- na alam na niyang nagpapanggap lang kaming dalawa ni Zeev. That we are not a real couple and everything is just a lie.

Gusto rin niya na ipagpatuloy namin ni Zeev kung ano ang nasimulan naming dalawa. While her? She will act like she doesn't know anything. Para sa gano'n ay hindi makahalata ang apo niya.

Namomroblema rin ako. Gusto niya na ikasal kami ni Zeev bago raw siya mawala sa mundong ito. Pero umaasa pa rin naman ako at nananalangin na gagaling pa si Lola Florissa. Na hahaba pa ang buhay niya. Magiging masakit at mahirap para kay Zeev kapag nawala siya.

I sighed again before turning my gaze to Bokki. I'm here in my room, getting ready because I have work today at my part time job. Ayoko ring ma-late dahil Linggo at ngayon na rin ang kaarawan ng kapatid ni Shihan na si Zihan. Ako ang magma-mascot kay Jollibee. And this is also my last day at my job.

Nangako kasi ako kay Zeev na magre-resign na ako sa part-time job ko, pero hindi ko naman tinupad ang nasa kontrata namin. Iniisip ko iyon dahil malaking kasalanan ang nagawa ko. Sana maintindihan ako ni Zeev kung bakit ko ginawa 'yon.

Bagsak ang aking magkabilang balikat nang nilapitan ko ang dalawa kong alagang aso na natutulog sa aking kama. Naupo ako sa tabi nila at niyakap sila. Malaki na ang tiyan ni Bokki dahil malapit na siyang manganak.

May nakausap na rin naman na akong veterinarian na mag-a-assist kay Bokki kapag nanganak na siya. Hindi ko naman nakakalimutan na ipa-check up silang dalawa, to ensure that their health is safe and okay.

"Dito lang kayo, ha? Papasok lang si mami," malambing kong sabi sa kanila bago ko halikan ang kanilang ulo. Papasok ako kahit masama ang aking pakiramdam.

Mas lalo nga yatang sumama ang pakiramdam ko ngayon dahil nakalimutan kong uminom ng gamot. Hindi ko rin kasi ugaling uminom ng gamot dahil takot ako sa gamot. Kung hindi ito mapakla ay mapait pa. At isa pa, nasusuka ako kapag nakakainom ako ng gamot.

Tumayo na ako bago ko balingan ng tingin 'yung music box ko na nakapatong sa study table ko. I tried to fix it, but there was no hope of fixing it. Nasira na ito dahil sa walanghiyang si Daisy.

Sinira niya ang isa sa mga mahalaga kong gamit. Ang music box at ang mga libro ko ang higit na pinahahalagahan kong gamit ko.

Sa sobrang hectic ng schedule ko, sa dami nang nangyayari sa buhay ko ay wala rin akong oras na dalhin ito sa repair shop upang ipaayos. Siguro kapag may free time na ako.

Binitbit ko na ang sling bag ko bago ako lumabas ng kuwarto. Naabutan ko naman si mama sa sala na binibihisan si Jingjing na bagong ligo. Wala si Tita Bobbie dahil hinatid niya sa school si Wayne.

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon