Chapter 23 *Past*

5.5K 75 4
                                    

NEO'S POV

Pshh! Di ko naman sinasadyang sabihin yung sinabi ko kay Frances na *Can i court you*. Hindi yun totoo, part yun nang pagpapafall, di ko kasi alam kung paano mangligaw ng babae =_____=

Di ko nga niligawan si Yani ee. Dahil sa sobrang hiya ko, iniwan ko si Frances sa loob ng sinehan. Pumunta ako ng CR, pero pagbalik ko.. Wala na si Frances. PATAY! SH*T

Siguro sinundan ako nun.. PshhQ Hinanap ko siya..

"Kuya, may nakita po ba kayong babae. Yung maputi tapos nakauniform ng L.I.S?" sabi ko kay manong guard

"Ah! Yung maganda? Oo! Lumabas siya, para nga siyang nawawala ee" sabi ni Manong guard. Lumabas kaagad ako at hinanap si Frances hanggang sa makarinig ako ng sigaw sa di kalayuan.

Sa palengke sa tabi ng mall, matagal ng sarado yung palengkeng yun dahil maraming sugalan at hindi fresh na paninda =_______=

Agad kong pinuntahan yung sumigaw at nakita ko nga siya, nakaupo sa sahig habang hinahawakan ng mga lalaki yung dalawang kamay at legs niya. Nag init ulo ko at pinagsusuntok yung mga lalaki

Niyakap ko si Frances, kamdam ko yung panginginig ng katawan niya sa sobrang takot. Humingi ako ng sorry sa kanya pero iyak lang siya ng iyak. Binuhat ko siya at isinakay na sa taxi tapos dumiretso kami sa bahay ni Keisha

Kasi kung dadalhin ko siya sa bahay nila baka magalit sa akin yung mama niya. 

KEISHA'S POV

*Ding* *Dong*

=___________= Sino yung mapangahas na nagdodoorbell. Pshh! Wala akong kasama sa bahay namin kundi yung mga katulong namin.

"Maam. May bisita po kayo" sabi ni Yaya. Andito ako sa sala nanunuod. Wala lang feel ko lang panuorin yung palabas...

Pumunta ako sa pinto at tinignan kung sino yung bisita..

"Anong kai---- OMG! WHAT HAPPENED TO HER?!" sigaw ko. Si Neo kasi buhat si Frances na walang malay, namumutla pa si Frances. OMG! Anong nangyari sa babae na ito?

"Keisha. Sorry.. Im really sorry" sabi ni Neo. Punong puno ng guilt yung mukha niya.

"Ihiga mo muna siya sa Sofa! NEO! Ano bang nangyari kay Frances?!" sigaw ko. Nilapag ni Neo si Frances tapos hinarap ako.

Kinwento niya sa akin yung nangyari kaya nasampal ko siya! YEAH! I slap his face!

"FCK YOU NEO! Badtrip ka! Hindi mo ba alam na may trauma si Frances sa ganong bagay!! Lahat na lang kasi ginagawa ni Frances para sa inyo ni Yani tapos iiwan mo?! Pshhh! Kala ko mahal mo si Yani pero bakit mo nililigawan Bestfriend ko?! Ano ka ba ha?! Manloloko!" sigaw ko

Yes, may Trauma si Frances sa ganong bagay. Muntikan na rin kasi siyang gahasain nung 1st year kami, isa din yun sa dahilan kung bakit sila lumipat ng ibang bansa

"S-sorry.." sabi ni Neo.

"Pshh! Sorry?! LAYAS! Ayaw muna kitang makita! Pag ito si Frances nilagnat papatayin kita!" sigaw ko

"Lagnat?" naguguluhan na sabi ni Neo o_O

"Yeah. Sa tuwing sobrang natatakot siya nagkakalagnat siya! Kaya... LUMAYAS KA NAAAAAAAAA!" sigaw ko tapos pinagtulakan siya palabas ng bahay ko. Lumabas naman siya tapos nilock ko na yung pinto at pinuntahan si Frances

Shizz! Anong gagawin ko dito?? Siguradong magagalit si Tita Selina pagnalate ng uwi tong babaeng to =_________=

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon