CLYDE'S POV
Ilang araw na kaming magkasama ni Frances simula nung mangyari yung eksena nila ni Neo sa cafeteria. Napapansin kong halos araw araw siyang tulala, minsan lang siya ngumingiti at palagi siyang nakatingin sa malayo.
Alam kong nasasaktan siya, pero masasaktan ako kapag nilet go ko siya. Napailing na lang ako, kelan pa ako naging madamot? Natatakot lang ako na masaktan nanaman niya si Frances. Alam ko simula pa lang na mahal na mahal ni Frances si Neo at alam kong hanggang ngayon ay ganun pa din ang nararamdaman niya.
Nasa library kami ngayon ni Frances. Gusto niya daw magbasa kaya sinamahan ko siya pero nakatulala lang siya.
Should I let her go? Hindi ako masaya kapag ganito at alam kong ganun din siya.
"Frances. Pupunta lang ako sa CR" agad akong lumabas. Nakakasuffocate yung paligid kapag kami ni Frances ang magkasama.
Agad akong lumabas at hinanap siya pero may humarang sa daanan ko.
"Yow Clyde! Atlast! Lets talk" sabi ni Yani na nakaharang sa daan ko. Kinausap ako ni Yani tungkol kay Frances at parehas kami ng desisyon.
Dumiretso kami sa canteen at nakita ko si Neo. Nakaupo siya habang may dalawang babae sa tabi niya. Alam kong may galit sa mata niya nung tumingin siya sa akin
"Neo. Lets talk" sabi ko
"Ano pa? Nasayo na si Frances. Di mo na kailangang ipagmayabang" may galit yung tono ng boses niya
"Neo. Pakinggan mo si Clyd---"
"YANI PLEASE! CAN YOU BOTH SHUT UP?! YANI, KAHIT ANONG PILIT MO SA AKIN WALA NA. KUNG NAGPAPAPANSIN KA PARA MAHALIN KITA ULIT, HINDI NA. WALA NA---" narinig ko na lang bigla ang malakas na sampal ni Yani kay Neo.
"Yan baa ng tingin mo sa akin? Ha! Ano nang nangyrai sayo Neo? IM TRYING TO HELP YOU HERE! Pero kung ayaw mo, then bye. We will never see each other again" nakita ko yung luha sa mata ni Yani pero agad na itong tumakbo palayo para hindi mahalata ni Neo.
"Tsk! Are you going to hurt all persons important to you? Lalake ka ba?" nanatili lang siyang nahimik at napasabunot sa buhok. Alam kong naiinis na siya sa nangyayari.
Huminga ako ng malalim, alam kong eto ang ikasasaya niya.
"Makikipagbreak ako kay Frances, ayokong nakikita siyang malungkot. I know that she doesn't love me. Ikaw yun Neo, so please make her happy" ayoko ng marinig ang sasabihin niya kaya umalis na ako.
Ako ang superhero ni Frances, at kailangan ko siyang iligtas sa lungkot na kinakaharap niya ngayon. She needs to be happy.
FRANCES' POV
I don't know whats happening to me. I feel alone, sick and tired. Well, may sakit naman talaga ako.
Nasa ospital ako ngayom, sinundo ako ni Zeke. May daily check up ako para mamonitor yung sakit ko, at di ko nanaman alam kung anong bagay ang gagawin nila sa akin.
Nasa isang room kami kung saan gagawin yung check up ko, may tinurok na gamot, mga tubes na dinikit at mga sinabi ang doctor.
"Anong nararamdaman mo Frances?" tanong ni Doc. Napatulala ako saglit at napatingin kay Kuya.
"Me? Im hurt. Really hurt" mahinang sabi ko
"Saan ang masakit Frances?"
"Here" at tinuro ko yung dibdib ko kung nasaan ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★
Roman pour AdolescentsNot all happily ever after... Exists.. but maybe, just maybe it will exist on their life, but how?