FRANCES' POV
"Okay Class. Magstart na kayo sa gagawin niyong recipe" sabi ni Maam. Andito kami ngayon sa TLE lab at isa pala tong contest.Yung mananalong students sa bawat section ay maglalaban laban tapos by Year level naman. Alam ko ng hindi kami mananalo dito kasi talagang wala akong talent sa pagluluto. Baking lang talaga ang sinanay ko
"Hiwain mo yung sibuyas ako yung kamatis" sabi ni Neo
"Nilalagyan ba ng kamatis yung Beef Steak?" sabi ko habang hinuhugasan ko yung sibuyas
"Hindi ko alam. Wait, sa tingin ko hindi. Wala naman akong nakikitang kamatis ee! Ako na lang maghihiwa ng bawang" sabi ni Neo at kinuha na niya yung bawang
Habang hinihiwa ko yung sibuyas humahapdi yung mata ko, naiiyak ako T~T
"Wahhh! Neo, My eyes.. Helpppp!" sabi ko habang pinapaypay yung mata ko gamit yung kamay ko
"Pshh! halika ka nga dito." sabi ni Neo at nilapit yung mukha niya sa mukha ko pero binlow niya lang yung mata ko
"Ok na?"
"Yup.." sabi ko
"Ako na lang ang maghihiwa diyang imarinate mo na yung beef" sabi niya at ginawa ko naman yung pinapagawa niya..
Natapos kami ng may maayos na naluto. kahit alam kong pangit ang lasa nun haha! Nagtikiman na pero di ko na hinintay iannouce at nag CR muna ako..
Paglabas ko ng CR nakasalubong ko si Neo with a smile on his face..
"PASOK TAYOOOOO" sabi niya
"Really? WAHHHHHHHH!" sabi ko at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Nagtatatalon kami habang magkayakap
"AH HEMMMM!" nagulat kami sa umubo kaya napahiwalay kami sa pagkakayakap at tinignan kung sino yun..
O__________O
"Oy! Ang sweet niyo ah! Frances, nafofall ka na ba kay Neo?" sabi ni Zeke habang nakasmirk
Namula naman yung mukha ko sa sinabi ni Zeke kaya napayuko na lang ako.
"Shut up Zeke.. Wala ka na dun!" sabi ni Neo
"Wala na ako dun?! haha.. Remember Neo, ako ang may gawa nun" sabi ni Zeke
Di ko sila maintindihan kaya di na ako nakinig at tumingin ako kay Yani. nagwave ako sa kanya..
"Yani.. kamusta ka na?" sabi ko
"Okay lang haha! You know, pa-easy easy lang haha! Ikaw.. Musta? Mukhang nagkakamabutihan kayo ni N-n-neo ha?" sabi niya
"Okay lang ako. Friends lang kami ni Neo at isa pa kaya kami magkayakap kanina kasi.. Uh.. nakapasok kami sa cooking contest sa TLE haha. kahit ang fail ng niluto namin" sabi ko
"Ahhh! Sige una na kami ni Zeke.." sabi ni Yani at tumalikod na
YANI'S POV
Agad akong tumalikod kina Frances upang itago yung namumuong luha sa mga mata ko..
Alam kong ano mang oras ay pwede na itong tumulo. Bakit ganon si Neo? Kanina habang nag uusap kami ni Frances nakita ko siyang nakatingin kay Frances habang nakangiti...
Neo.. Are you falling for Frances? Neo, Wag.. Mahal na mahal kita at pangako magsasama din tayo. Lets just wait for the right time..
NEO'S POV
Habang nakikipag usap si Frances kay Yani di ko mapigilang hindi mangiti habang tinitignan si frances. Kahit pawis na pawis siya ang ganda ganda niya...
"Neooooo! Halika na.." sabi ni Frances tapos hinila ako. Agad ko naman siyang inakbayan at sabay kaming pumunta sa classroom
"Seriously Neo.. Nakapasok tayo?" sabi niya habang sabay kaming pumasok sa loob
"Yeah at lalaban daw tayo by sections" sabi ko habang hindi ko pa rin inaalis yung pagkakaakbay ko sa kanya.
Di ko alam pero gusto kong laging kalapit siya. Siguro dahil naguiguilty lang ako, wala sigurong ibang ibig sabihin yun diba?
Inalis ko na yung pagkakaakbay ko sa kanya at dumiretso na siya sa upuan niya. Andun nanaman yung epal na Clyde =_____=
Lagi na lang siya umeepal sa buhay ko. =___=
FRANCES' POV
Andito nanaman si Clyde sa tabi ko at alam kong mangungulit nanaman siya haha!
"Frances, pwede ka bang ligawan?" sabi niya
"Hahaha! You're funny Clyde.." sabi ko na lang
"Sige na kasiiiii! Promise magiging mabait akong boyfriend" sabi niya tapos nagpout pero nagulat ako ng bigla siyang hinatak ni Neo
"AKO yung nanliligaw sa kanya. AKO yung magiging boyfriend niya at AKO ang magpapasaya sa kanya" sabi ni Neo sabay tingin sa akin pero umiwas rin siya
"Pshh! Oo na oo na! Haha. Bye Frances, kita tayo later!" sabi ni Clyde tapos sa ibang kaklase naman namin nangulit
"Wag ka ngang lalapit kay Clyde.." sabi ni Neo
"Uh. Bakit naman.. Mabait naman siya tapos masayang kasama. Bakit ayaw mo naman akong sumama sa kanya. And hey, di ikaw ang dapat pumili ng magiging kaibigan ko. At i---"
"NAGSESELOS AKO!" sigaw niya kaya lahat ng classmate namin napatingin sa amin. Gahhh! Nakakahiya ka Neo >///<
***
BINABASA MO ANG
Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★
Teen FictionNot all happily ever after... Exists.. but maybe, just maybe it will exist on their life, but how?