FRANCES' POV
Agad kong sinundan si Neo kahit bigat na bigat ako sa gown ko. Baka kasi kung anong mangyari dun galit pa naman.Sabi kasi nila paggalit daw yung isang tao wala daw silang pakielam sa mga ginagawa nila kahit magkasakit pa daw sila..
Hindi ko na makita si Neo kaya nagtanong na lang ako sa mga nakakasalubong ko kahit na pinagtitinginan nila ako sa suot ko XD
"Uh.. Excuse me.. Nakita niyo po ba yung lalaking matangkad na nakalong sleeve? Na mukhang galit at ma--"
"Ah! Si neo? Nakita ko siya sa garden kanina at mukhang galit na galit kasi lahat ng taong madadaanan niya ay binabangga niya... Papunta nga pala siya sa garden.." sabi nung babaeng pinagtanungan ko
"Ah! Sige salamat" sabi ko at tumakbo ako papuntang garden. Habang tumatakbo ako papunta sa garden ay di ko maisip kung bakit siya galit..
Nakarating na ako sa garden pero walang Neo ang nandun. Wala ding tao dun kasi lahat sila sa booths...
Bigla akong nadisappoint nung nakita kong walang tao dun. Pumunta na lang ako sa ilalim ng isang puno at umupo dun. Wala na akong paki kung madumihan man itong puting gown ko..
Nasaan kaya si Neo? At bakit bigla siyang nagwala kanina sa labas ng booth? Ano kayang nangyari dun...
*BOOOOOOOGSHHHH*
"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Napasigaw ako ng may biglang nahulog sa itaas ng puno.
Napapikit ako ng mata at niyakap ko yung sarili ko sa sobrang takot. T~T
"Pshh! Di ako multo! Dumilat ka diyan" sabi ng isang pamilyar na boses
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko si Neo na nakatayo habang pinapagan yung damit niya....
*sigh* Kala ko kung sino na pala. Natakot pa ako..
Gusto kong itanong kay Neo kung bakit siya nagwala pero kinakabahan ako kasi baka magalit nanaman siya..
Gahhh! Nakakatakot kaya siya... Baka mamaya ako na yung ibalibag niya >____<
"Neo... Uh.. Ano.. Kasi.. Bakit ka.. uhmm. Bakit ka nagwala kanina?" mahinang tanong ko. Bigla siyang tumingin sa akin at nagglare
*Gulp* Bigla akong umiwas ng tingin. Ramdam ko yung sobrang pagtibok ng puso ko sa sobrang kaba. Parang gustong lumabas nito.. Gahhhh..
"Ah. Sige wag mo na lang sagutin.. Uhmm Pupunta na ako ulit sa booths baka hinahanap na ako ni Cl---"
Bigla niyang pinutol yung sasabihin ko ng bigla niya ako hinawakan sa may braso ko tapos sinandal niya ako sa puno...
Yung mga mata niya nakatingin sa mga mata ko at punong puno ng galit.. Gahhh! Nakakatakot siya .. Parang kakainin niya ako ng buhay >____<
BINABASA MO ANG
Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★
Teen FictionNot all happily ever after... Exists.. but maybe, just maybe it will exist on their life, but how?