Chapter 43 *Destroy*

5.3K 61 8
                                    

FRANCES' POV

Andito kami ngayon sa canteen at lahat kami tahimik na nakatingin kay Keisha...

with her new Boyfriend?!

Geee! Hindi ko lubos maisip na may boyfriend na yung bestfriend ko. Nakatingin lang kami sa kanila habang nagsusubuan sila ng food nila

O_o

"Guys. Una na kami ni Frances ha... Baka andyan na kasi yung teacher namin" sabi ni Neo tapos hinawakan niya yung kamay ko.

Tumayo na din ako at nagpaalam sa kanila...

"Neo.. Anong nangyari dun kay Keisha?" tanong ko habang magkahawak kamay kaming papunta ng classroom

"Di ko alam pero sa tingin ko may problema yun.." sabi ni Neo habang di pa din inaalis yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko

Gahhh! Nag iinit yung mukha ko, feeling ko hihimatayin ako haha.. >///<

"Ah.. Frances, wait lang ha. Una ka na sa classroom may pupuntahan lang ako" sabi ni Neo. Nagnod na lang ako at dumiretso sa classroom namin

NEO'S POV

Dapat ko pa lang kitain si Zeke at Yani para sabihin ko yung progress ng plano namin haha. Ang saya nito..

Agad kong tinext si Yani para pumunta sila ni Zeke sa bodega ng school. Dun na lang kasi ang pwede naming pag usapan. Mahirap ng may makarinig...

Sampung minuto ang lumipas at dumating na silang dalawa. 

"Anong meron?" maangas na tanong ni Zeke sa akin. Nagsmirk lang ako sa kanya

"Frances told me that she loves me..." sabi ko

"Yun lang? Sabi ko gawin mo siyang girlfriend" sabi ni Zeke sa akin

"Tsss! Oo na.. Malapit na..." sabi ko tapos tumingin ako kay Yani at kininditan siya. Nakita kong namula siya kaya natuwa ako..

Yani.. Mahal na mahal kita... Wait, kelangan ko ng puntahan si Frances baka kung ano nanamang manyari dun..

"Sige.. Una na ako ha." sabi ni Zeke tapos umalis na. Tinignan ko si Yani, tumakbo siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit...

Niyakap ko din siya at hinalikan sa ulo..

"Neo.. thank you..." narinig kong sabi ni Yani

"Sige.. una na ako Yani ha.. Baka kasi kung ano pang mangyari kay Frances ee.. Bye" sabi ko at tumakbo paalis

*****

"Ok class.. Pumasok na tayo sa bus para makarating tayo kaagad" sabi nung Teacher namin at pinapasok na kami sa naka-assign na bus sa amin

Ngayon na yung team building activity namin at tatlong araw kami sa pupuntahan namin. Bundok daw yun ee...

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon