FRANCES’ POV
Nagising ako at nakita ko si Kuya, Keisha at Evo sa sofa sa room ko. Umaga na kaya siguro ay dito na sila natulog.
“Frances!” sabi ni Keisha at niyakap ako
“I want to go home Keisha. Please, tell Kuya” bulong ko kay Keisha habang yakap ako.
“Oo. Sige na, ako na magsasabi sa Kuya mo” lumayo si Keisha at may sinabi kay Kuya. Lumabas sila at kami na lang ni Evo ang natira.
“Kamusta na yung pakiramdam mo?” tanong ni Evo. Nakita kong simpleng nangiti si Evo.
“Well, its getting worsed” sabi ko at tumingin lang sa itaas. Ayoko na kasing umiyak.
“Frances. Fight. Just fight. Lumaban ka lang ng lumaban ha? Kasi maraming masasaktan kapag nawala ka. Hindi ko sinasabing mawala ka, kaya kailangan mong lumaban. Frances, You need to fight this battle. Kasama mo kaming lalaban, basta wag ka lang susuko kasi ikaw lang yung lakas naming para lumaban sa battle na ‘to” sabi ni Evo. Alam kong naiiyak na siya pero ayaw niyang ipakita yun.
“Don’t worry. Lalaban ako” nakangiting sabi ko.
Pumasok na si Kuya at Keisha. Nakikita ko sa mukha ni Kuya yung pag aalala. Nakita ko naman na nakangiti si Keisha.
“Pwede ka ng umuwi” tipid na sabi ni Kuya at nagsimulang iimpake yung ibang gamit kong nagkalat.
“Sumabay ka na lang kina Keisha, tutal di naman ako importante lahat ng sinasabi ko kaya sa kanila ka na lang sumabay. Mauuna na ako” sabi ni Kuya at agad na lumabas ng room ko. Nangiti na lang ako ng malungkot.
“Okay lang yan Frances. Nagtatampo lang si Zeke” sabi ni Keisha.
Nakauwi na ako, at ngayon nasa school ako. Pumasok ako, ayoko naman kasing mastock sa bahay at maghintay na lang na mamatay ako ng tuluyan.
“Frances! May laban yung basketball varsities ngayon” sabi ni Keisha. Kasali kasi si Clyde at Evo sa Basketball varsity, isama mo na si Neo.
“Talaga? Edi walang pasok?”
“Syempre. Halika! Punta na tayo sa gym” sabi ni Keisha at sabay kaming pumunta sa gym. Madami na ding tao. Naupo kami ni Keisha sa pinakababa ng bleacher.
Pumasok na yung team galing sa ibang school. Samu’t sari ang reaksyon ng tao sa paligid. May nag-‘boo’ at may mga nagtitili. Gwapo kasi yung team sa kabilang school.
Pumasok na din yung varsities sa school namin. Nakikita ko yung tension sa mga mata nila, rival na kasi yung school namin at school nila eversince.
Hindi ko nga alam kung bakit lagi nila gustong makalaban yung school namin, eh palagi naman silang talo.
Nagsimula na yung round 1. Nakafocus lang ako kay Clyde, magaling kasi siyang magbasketball. Nakakakilig, siguro hindi naman masamang magkagusto ulit ako. Tao din naman ako.
“Hi Frances” nagulat ako sa taong tumabi sa akin. Si Yani. Nakita ko naman si Keisha na parang sinasabing kausapin ko si Yani.
“Ah. B-bakit?” gusto kong ilabas yung mataray side ko pero ayokong sirain yung mood ko.
“Gusto sana kitang makausap. Don’t worry, di kita sasaktan” nakangiting sabi niya. Tumayo ako at lumabas. Sinundan naman ako ni Yani.
Pumunta kami sa likod ng gym. Nakita ko yung lungkot sa mukha niya.
“Frances” sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.
“Hindi ko alam na ikaw yung makakatuluyan ng bestfriend ko”
BINABASA MO ANG
Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★
Teen FictionNot all happily ever after... Exists.. but maybe, just maybe it will exist on their life, but how?