Chapter 78 *Pain*

4.7K 58 1
                                    

FRANCES’ POV

Umalis na si Clyde at naiwan akong mag isa sa bahay namin. Wala pa si Mom at Dad kaya nagmuni muni muna ako sa garden, naupo ako sa patio table at dun nag isip.

I want to take the operation, pero natatakot ako. Paano kung sa kalagitnaan ng operasyon ay mawalan ako ng buhay.

“Nakauwi ka na pala” napalingon ako at nakita ko si Zeke sa likuran ko, siguro ay nagtatampo pa siya.

“May nakahandang pagkain para sayo sa lamesa, kumain ka na” sabi niya at akmang aalis.

“Galit ka pa ba sa akin?” hindi siya nagsalita. Hinihintay niya na magsalita ulit ako.

“I know, galit ka pa. Pero eto lang, can’t you consider my situation? Mamamatay na ako, hindi pa ako pwedeng pumili ng ikasasaya k—“

“Masaya ka ba talaga?” finally nagsalita na siya. But his question hit me. Masaya ba ako? Dalawang tao na ang nagtanong ng ganyan sa akin ngayong araw at wala akong nasagot isa man lang sa tanong nay an.

“Frances, if you want  to be happy.Magpatawad ka.”

“Pag iisipan ko. Pero ngayon, iwan mo sana akong mag isa” narinig ko yung buntong hininga niya pero umalis na din siya. Akon a yata ang may pinakaworst na buhay sa mundo. Everybody thinks that if you’re rich, you can get everything what you wanted but they are wrong. I can’t feel love.

“F-frances! T-ta-talk to me!” tumingon ako sa may gate and I saw him. Haggard na haggard yung mukha niya, mukha din siyang napaaway dahil may cut yung lips niya.

Dahan dahan akong lumapit sa may gate, at wala sa sariling binuksan yun. Nagulat ako ng bigla niya ako akong sinunggaban ng yakap, all I can do is to cry. Why Neo? Why do you need to make me feel this way? Ano baa ng kasalanan ko sayo?

“Neo. Bitawan mo ako” iba yung sinasabi ko sa gusto ng isip ko. Inalis niya yung yakap niya pero nakahawak siya sa braso ko. Namumula yung mata niya, magulo yung buhok niya at may cut yung lips niya but he still looks gorgeous.

“I told you to say ‘No’, pero bakit ‘Yes’? FCK FRANCES! I LOVE YOU! I LOVE YOU SO MUCH! Im sorry. Im sorry sa ginawa ko. Hindi ko na uulitan just please, say ‘No’. Tell him that you love me more than him! Frances, please..” nakapikit lang ako habang sinasabi niya yun.

“Sorry. But I don’t love you anymore” inalis ko yung hawak niya sa braso ko. Hindi ko siya tinitignan sa mata, baka may mali pa akong magawa.

“TIGNAN MO AKO SA MATA! MAHAL MO PA BA AKO?!” sinikap kong tignan siya ng diretso sa mata, sasabihin ko n asana pero may humatak sa kanya papalayo sa kin. It was Evo.

“Frances, sorry. Nawala sa paningin ko si Neo. Pasensya na kung ginulo ka” hindi ko pinansin si Evo. Tumingin lang ako sa mata ni Neo.

“No.” tipid kong sabi at sinara na yung gate. Naririnig ko yung pagwawala at pagsigaw niya pero ayoko na. Pagod na ako.

**

Isang linggo ang makalipas, naging okay ang lahat. Hindi muna ako pumasok ng isang linggo dahil nagkaroon nanaman ako ng bleeding at pagkahilo.

Maaga akong pumasok ngayong araw. Sinundo ako ni Clyde sa bahay kaya sabay kaming pumasok. Pagpasok namin sa room nabungaran ko ang mukha ni Yani habang nakakunot ang noo. Inikot ang paningin ko at nakita ko siya.

Totoo nga yung balita, nagbago na siya. He’s not the Neo I used to know before. Tumigil siya sa ginagawa niya at marahan akong tinignan, pero ngumisi lang siya at tinuloy ang ginagawa niya.

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon