Chapter 85 *Sadness*

2.3K 34 0
                                    

*Kiss in the Rain*

NEO'S POV

Hindi ko mapigilang hindi kiligin, ikaw ba naman nakasama mo yung taong halos dahilan kung bakit ka nabubuhay araw araw.

Nakatingin lang ako kay Frances simula ng pumasok yung Professor namin sa room hanggang sa matapos, di ko talaga mapigilang hindi maging masaya.

Magkahawak kami ng kamay na lumabas ng room, habang  naglalakad kami sa hallway lahat ng tao nakapako ang tingin sa amin, alam kasi nilang  isang sikat na tao si Frances dati.

"Frances.. Gusto mo bang mag ikot muna?" tanong ko habang palabas kami ng room.

"Sure. Antagal ko na kasing di nakakapasyal" sabi ni Frances, dinala ko siya sa seaside sa tabi ng isang kilalang mall.

Naka-upo lang kami habang sabay na tinitignan yung sunset, naramdaman ko ding humigpit yung hawak ni Frances sa kamay ko.

"Naisip ko, para akong isang sunset. Unti unti akong nawawala, pero kahit na mawala ako lagi akong babalik. Babalik sa mga taong mahal ko." sabi ni Frances, napatingin ako sa kanya. 

Nakita ko yung masayang mukha niya habang nakatingin sa sunset pero unti unti ding tumulo yung mga luha niya.

"Frances, dont cry. Para sa akin ikaw yung sunrise ko, kasi kung wala ka madilim yung buhay ko. Kaya wag mo akong iiwan ha" sabi ko na lang sa kanya

"Pero alam nating mawawala at mawawala din ako." mahinang bulong niya

"Gagawin ko yung lahat wag ka lang mawala Frances, I love you." sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit

Pagkatapos ng pamamasyal namin sa seaside ay hinatid ko na si Frances, nahihilo nanaman daw kasi siya kaya umuwi na kami.

Gusto ko pa sanang bantayan siya pero siya na mismo ang nagsabi na umuwi na ako. Habang naglalakad ako pauwi, may natanaw akong anino.

Di ko kilala pero nilapitan ko kasi nakaupo siya sa gilid ng kalsada. Nilapitan ko siya, at nagulat ako kasi babae siya at amoy alak siya. Tss, kababaeng tao umiinom ng alak.

"Miss... Gabi na po, delikado kung mag-s-stay ka pa sa labas" sabi ko sa babae, buti na lang at tumayo siya at tumingin siya sa akin. Halatang galing siya sa iyak .

Nagulat ako ng unti unti siyang lumapit sa akin, at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.

FRANCES' POV

Hinatid na ako ni Neo at ngayon ay nakaupo lang ako sa sala. Kakaalis lang ni Neo, pinauwi ko na kasi siya.

"Frances.. Asan si Neo? I bought him a cake" sabi ni Mom na kakadating lang din galing office, may bitbit na two boxes ng cake. Naging okay na si Mom sa relationship namin ni Neo. Naka-arrange marriage kami ni Neo, dahil business partners ang Lola ni Neo at si Mom. Malaking tulong sila sa kompanya.

"Gusto niyo Mom, ihahatid ko na lang sa bahay nila Neo? Malapit lang naman po" sabi ko

"Gabi na Frances, isama mo na lang yung Kuya mo." sabi ni Mom, so tinawag ko na si Kuya at sabay kaming naglakad papunta sa bahay nila Neo.

"Frances, ano ba ang nagugustuhan ng babae na ginagawa ng lalaki?" tanong ni Kuya habang buhat niya yung cake

"Simple lang, gusto namin yung guy na loyal, sweet, caring at marunong rumispeto." sabi ko pero agad akong napatingin kay Kuya sa sobrang gulat. Alam ko kasing pinopormahan niya si Yani. Binata na si Kuya hahaha.

"ARE YOU COURTING YANI?!" bulalas ko, nakita kong nagblush si Kuya, siguro nga nililigawan niya si Yani. Halata naman.

"Shhh.. Wag kang maingay, ihatid muna natin sa Boyfriend mo itong cake.. BTW, gaano mo pala kamahal si Neo?" tanong ni Kuya habang naglalakad papunta sa bahay nila Neo.

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon