Chapter 52 *Birthday Surprise*

4.7K 58 3
                                    

Hi.. Sali po kayo sa group natin. Click niyo na lang yung external link sa gilid>

******

KEISHA'S POV

January 17 na at bukas na ang birthday ni Frances.. At nagbigay na ng invitations yung parents ni Frances.. Ang galing nga ee, January 17 yung birthday niya tapos magse-17 years old na siya...

Isang maliit lang na party yung gaganapin sa hotel nila at mga kilalang kaibigan at mga kamag anak lang nina Frances ang invited. Including my family of course =____=

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay namin.. Wala lang feel ko lang, ayoko sa loob masyadong matahimik ee =____=

NEO'S POV

Naglalakad ako ng madaanan ko si Keisha na nasa harap ng bahay nila..

"Keisha!" bati ko sa kanya at lumapit sa kanya

"Oy! Neo.. Kamusta?! Bakit di kayo magkasama ni Frances?! Himala! hahaha" sabi ni Keisha

"May pupuntahan daw sila ng parents niya ee" sabi ko

"Ahh! Siguro bibili ng gown yun para sa birthday ni Frances bukas haha!" sabi ni Keisha

Birthday?! BIRTHDAY NI FRANCES BUKAS?! Bakit walang nagsabi sa akin... Bakit di ko alam?!

"B-birthday?" 

"Oo.. Wag mong sabihing hindi mo alam. BOYFRIEND ka ni Frances Neo kaya dapat alam mo lahat sa kanya.. At wag mo ding sasabihing wala kang gift kay Frances!" sabi ni Keisha

"A-ah.. Oo, may regalo na ako.. Haha! Sige una na ako at maghahanap pa ako ng damit para sa party ni Frances" palusot ko pero kailangan ko ng bumili ng regalo para kay Frances

Tsss! bakit di ko alam?! Tssss

Nung birthday ko sinurpresa niya ako siguro ngayon ako naman ang magsusurpresa sa kanya.. Tama, kahit simple okay lang...

Pumunta agad ako sa mall at naghanap ng pwedeng iregalo kay Frances.. Bumili na din ako ng mga kailangan para sa surprise ko kay Frances...

Habang nag iikot ako may nakita akong isang jewelry shop at pumukaw ng atensyon ko ang sing sing na nakadisplay sa loob.. Couple ring siya pero hindi simpleng ring kasi sing sing siya na ang design ay crown ng king at queen.. (Picture)

Lumapit ako dito para tignan ito. Siguro ito na lang yung ireregalo ko kay Frances..

"Miss.. Magkano po ito?" sabi ko sa staff na nagbabantay dun

"Ah.. 5000 po yan sir.." sabi nung staff

"Sige kukunin ko" sabi ko tapos inabot ko sa kanya yung credit card ko. Nilagay nila ito sa heart shape na box tapos nilagay sa paper bag

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon