Chapter 40 *She Falls*

5K 65 4
                                    

FRANCES' POV



Natapos ang araw namin at kami ang section na pinakamalaki ang kinita. Kami yung booth nanalo sa fair na ito dahil kahit daw nasira na yung booth namin ay naka-isip pa din daw kami ng pwedeng gawin..

"Guys! Lets celebrate. Marami naman tayong kinita. Dun tayo sa bar ng tito ko" sabi ni Justine. Isa sa mga kaklase ko

"Game" sabay sabay na sabi nila

Lahat sila napatingin sa akin kasi ako lang yung di nagsasalita. 

"Heart. Sama ka ha.." sabi ni Clyde tapos inakbayan niya ako. Dahil wala na akong magawa ay nagsmile at nagnod na lang ako

"AYOOOOOOOOOWN OHHHHHHHH!" sabi ni Justine. Pero bago yun pinilit ko muna si Mom buti nga at pinayagan niya ako kasi andun si Dad XD

Sumakay kami sa sasakyan nina Justine tapos hinatid kami sa may bar. Nung pagpasok namin sa bar okay lang yung atmosphere. Hindi katulad ng ibang bar na masyadong wild...

Naupo kami sa reserved seats tapos naglabas na sila ng mga inumin pero nagulat ako ng naglabas sila ng beers..

"Guys.. I think bawal pa sa atin yung alcohols... Uh.. We're still minors" sabi ko kaya lahat sila napatingin sa akin with a confused look

"Hindi ka umiinom?" tanong nila sa kin.

Nagnod ako sa kanila..

"Woah! Frances, itry mo.. Pampawala ng problema kung may problema ka man.." sabi ni Hanna 

Problema? May problema nga ba ako... Siguro nga problema ko ngayon si Neo. Di ko kasi talaga maintindihan yung mga pinaggagawa niya para sa akin...

Naguguluhan na ako...

Nagsmile ako sa kanila 

"Game" sabi ko at sinimulan na nila akong bigyan nung beer na iniinom nila. Minsan lang naman to at pampawala naman daw ng problema..

Kahit minsan gusto kong mawala lahat ng iniisip ko. Kahit ngayong gabi lang....

***

Nakailang bote na ako ng beer at sobrang nahihilo na ako. Wala na nga yata ako sa pagkatao ko ee... 

"Heartshhhhhh! Bakit ganown! Di ko maintindihansshhh yung nararamdaman ko sha kanyaa" sabi ko kay Clyde habang nakahiga sa braso niya

"May tama ka na Heart haha. Hahatid na kita pagkatapos..." narinig kong sabi ni Clyde

"Wala pa! Tignan mo oh! Nakakasalita pa ako.." sabi ko 

Nakahiga lang ako sa braso ni Clyde habang nakapikit. Di ko alam yung nararamdaman ko. Parang umiikot yung paningin ko...

"Clyde... Di ko talaga maintindihan..."" bulong ko at ang narinig ko na lang ay ang malakas na pagkalabog ng kung ano..

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon