FRANCES' POV
Umalis na sina Zeke at Neo kasama si Yani. Kailangan na daw kasing madala ni Yani sa ospital. Nung pagkaalis nila ay nag-impake na kami at umalis na din.
Habang nasa van kami ay nakatingin ako sa labas ng bintana. Gusto kong kausapin yung parents ko, at alam kong sa gagawin kong yun ay mabilis akong makakamove on.
Tinignan ko yung kamay ko, yung sing sing na bigay sa akin ni Neo.Ayoko ng magpakatanga, kailangan ko ng tapusin lahat ng koneksyon na meron kami.
Tinignan ko si Clyde habang tahimik din na nakatingin sa kawalan.
"Clyde. Pwede ba akong mahiga sa shoulders mo?" sabi ko. Nagnod siya at mas lumapit ng konti sa akin. Nakatulog ako nang mahimbing at sandaling kinalimutan ang mundong pinapahirapan ako.
ZEKE'S POV
Andito na kami sa isang ospital sa manila na pinagdalhan kay Yani. Nakaupo lang ako sa labas ng emergency room at inalala lahat ng nangyari dati..
Yung bet, ayoko ng maalala yun pero pilit pa din yung sumisiksik sa utak ko.
May mahal ako dati, popular girl siya sa school pero masama ang ugali niya. Pero kahit ganun ang ugali niya, minahal ko siya dahil sa smile niya.
Sinabi niya sa akin na gawan ko ng masama yung unang babae na papasok sa CR at pag nagawa ko yun ay mamahalin niya din ako.. Si Frances ang unang pumasok dun, nandilim ang paningin ko pero di ko na tinapos kasi umiiyak na siya nun.
Pero yun pala ay iniwan lang ako ng mga taong nagpagawa sa kin nun. Tumigil ako sa pag aaral at pinalipat ako ng parents ko sa states. Nabalitaan ko din na nagkatrauma yung babaeng muntikan ko ng gahasain.
Simula nun sinabi ko sa sarili ko na lahat ng babae sasaktan ko. At hinding hindi ako magmamahal na ng babae, at paghihigantihan ko yung taong ginawan ko nun.
"Sino yung pamilya ng pasyente?" sabi bigla ng doctor kaya napaharap ako sa kanya
"Ako po" wala sa sariling sabi ko.
"Okay na po siya. Mabuti po at naagapan ang pagbubuo ng dugo sa ulo niya" sabi ng doctor tapos umalis na
Nakahinga ako ng maluwag. Nilabas na si Yani sa ER at nilagay na siya sa isang private room. Dumating na din yung parents niya kaya pinauwi muna nila ako.
Pagdating ko sa bahay ay nagulat ako kasi may mga bagahe sa sala. At dun ko nganapagtanto na nandun na sina Mama at Papa.Kala ko nasa ibang bansa sila, bakit bumalik sila kaagad? Kala ko next month pa ang dating nila.
“Ma! Pa! Kelan po kayo dumating?” tanong ko sa kanila. Bumungad sa akin yung malungkot na mukha ni Mama pero sinikap niya pa din na ngumiti.
“Kanina lang. And I heard the news about your fiancé. Is she okay?” tanong ni Mama at niyakap ako. Nagulat ako sa pagkayakap niya. Hindi siya ganito sa akin simula bata pa lang ako kaya naninibago ako.
Biglang humagulgol ng iyak si Mama sa dibdib ko at niyakap ako ng mas mahigpit. Dun ko na din siya niyakap.
“Ma, anong problema?” tanong ko, Humarap sa akin si Mama at ngumiti ng mapait.
“Sorry kung hindi kami naging mabuting magulang simula nung bata ka pa. Kung bibigyan uli ako ng pagkakataon na maging mama mo, magiging mabuting ina na ako sayo.”
“Ma, di ko po kayo maintindihan” naguguluhang sabi ko.
“Just remember that I’m still your mother kahit na mahanap ka na ng tunay mong magulang” malungkot na sabi ni Mama habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★
Teen FictionNot all happily ever after... Exists.. but maybe, just maybe it will exist on their life, but how?