Chapter 90 *Goodbye's*

4.7K 53 5
                                    

NEO’S POV

*Byul – Kim AhJoong*

Nung nakarating na kami sa ospital ay agad na inilagay si Frances sa stretcher, hindi ko binibitawan yung kamay niya habang dinadala siya sa Emergency Room. Hindi na din mapigilan ng luha ko na tumulo. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa maamong mukha ni Frances. Eto na ba?

"Hanggang dito na lang po kayo" sabi nung nurse na nag-a-assist

Kahit masakit ay agad kong binitawan yung kamay ni Frances, nagsara yung pinto ng ER at naiwan akong tulala. Napasabunot ako ng buhok ko at napaupo sa sahig.

"Neo.." lumapit sa akin si Yani at niyakap ako.

"Yani.. Natatakot ako, hindi pa naman siya mawawala diba? Alam kong hindi ako iiwan ni Frances." sabi ko habang tumutulo ang luha ko.

Wala na akong pakielam ngayon kung magmukha akong bading o kahiyahiya, isa lang ang naiisip ko. Natatakot akong mawala si Frances.

Nakita ko na din na dumating na yung parents ni Frances at mukhang kagagaling lang nila sa trabaho. Si Zeke ang kumausap sa kanila.

Mga kalahating minuto ang lumipas ay wala pa ding balita tungkol kay Frances. Hanggang sa may isang lumabas na nurse.

"Miss, kamusta na po yung pasyente sa loob?" tanong ni Zeke pero hindi sumagot ang nurse

"Okay na ho siya. Dadalhin na lang po siya sa isang private room at dun po oobserbahan" sabi ng nurse

Agad na naalis ang kaba sa dibdib ko. Nakita ko si Frances na dinala na sa isang private room. Namumutla siya at may mga nakaturok sa katawan niya. At yung parang tube sa may ilong para daluyan ng oxygen.

Agad kong sinundan si Frances hanggang sa room niya. Ako ang nagbantay sa kanya at hindi ko siya iiwanan.

Nakahawak lang ako sa kamay niya buong magdamag. Hindi din ako nagsasawang tignan yung maamo niyang mukha.

"Buko.." bulong ko habang nakangiti

Nagulat ako ng unti unting dumilat si Frances, agad siyang tumingin sa akin at ngumiti.

"Natakot ako. Kala ko iiwan mo na ako" sabi ko at agad ko siyang niyakap

"Hindi naman kita iiwan ng basta basta. Neo, kahit nahihirapan na ako hindi pa din kita iiwan" mahinang sabi ni Frances

Hinawakan ko yung kamay ni Frances ng mahigpit, nakita ko din na tumulo na yung luha sa mga mata niya.

“Frances, kung nahihirapan ka na. Sige na, wag mo akong iisipin. Kaya ko”

"Neo.. Kapag nawala ako, magmahal ka. Go on, wag mo akong iisipin. Wag kang manatili sa pag asang babalik ako. Hindi pwedeng sa akin lang yang buhay mo. You know how much i love you. RIght? " sabi ni Frances habang umiiyak.

Nagnod ako, hindi ko na kayang magsalita. Sobrang sakit, napakasakit.

Binitiwan ni Frances ang mga kamay ko at kinuha niya yung binigay ko sa kanyang singsing. Yung crown na ring. Nilagay niya yun sa kamay ko at ngumiti. Binalik ko sa kanya yun nung nagkabalikan kami.

"Find your queen. Yung babaeng hindi ka iiwan" sabi ni Frances

"Frances... I love you. Ikaw lang ang mahal ko" sabi ko at niyakap siya

Agad din siyang lumayo sa pagkakayakap at humarap sa akin. Ngumiti siya ng matamis at tinignan ang mga mata ko.

"Neo. Mahal mo ba ako?" tanong ni Frances sa akin

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon