FRANCES' POV
Nung pagatapos kong kausapin si Neo ay umuwi ako ng bahay at dun ko binuhos lahat ng sama ng loob ko. Umiyak lang ako maghapon hanggang maggabi.
“Frances. Kakain na daw kayo” narinig kong sabi ni Yaya. Pinunasan ko yung namumugtong mata ko at inayos ang sarili ko.
“This is the last time that you will cry Frances. This time, you’re the one who will make them cry” mahinang bulong ko sa sarili ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa dining area.
Nagulat ako nung nakita kong nakaupo dun si Zeke, what is he doing here? Diba sinabi kong ayoko na siyang makita.
"Your brother is going to stay with us. Be good too him Frances” sabi ni Mom. Umupo ako sa harap ni Zeke.“Be good? I will try, besides he’s not good to me” walang ganang sagot ko. Nagsimula na kaming kumain.
"yeogi iss-eul gyehoeg-inga?" (Is he going to stay here?) tanong ko kay Dad.
"mullon ijyo. geuneun ne hyung" (Of course. He's your brother) sabi ni Dad. Tinignan ko na lang si Zeke at umiling. Unbelievable.Kumain na lang ako, nung natapos akong kumain ay nagpahangin ako sa garden. Nakatingin lang ako sa ulap, may mga stars na naman.
"Frances..." nagulat ako nang may biglang tumabi sa akin. Si Zeke. Aalis na sana ako ng hawakan niya ako sa kamay ko
"Can we talk?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya. He looks so desperate.
"We're talking" sagot ko naman."Maayos na pag uusap" sabi niya.
"Go on"
"Alam kong galit ka pero sana bigyan mo ako ng chance. Kahit isang chance lang”
“Lets stop this nonsense conversation Zeke. Ayokong making sa kalokohan mo” Pumasok na lang ako, narinig kong tinawag niyya yung pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin. Pumunta na lang ako ng kwarto ko at natulog.
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon na ako at dumiretso sa CR. Tumingin ako sa salamin, nagulat ako kasi may blood stain sa mukha ko.
Siguro nagnosebleed nanaman ako kagabi. Tinignan ko din yung braso ko, meron nanaman akong pasa sa kaliwang braso. Ano ba namang buhay ‘to!
Naligo na ako, ngayon ko kasi makukuha yung result sa medical check up ko. Dumiretso na ako ng ospital, mineet ko yung Doctor na nagcheck up sa akin.
Dumiretso kami sa office niya, naupo ako at umupo naman yung doctor sa office chair niya. May nilabas siyang envelope at nakita kong malungkot yung mukha niya
"Alam nating may history ang pamilya niyo ng leukemia.. Chineck up kita nung dinala ka dito sa ospital dahil may kakaibang nangyayari sa katawan mo Me---"
"Diretsuhin niyo na lang po ako Doc" Alam ko naman kung san na mapupunta ang usapang ‘to.
"You have a Leukemia Ms. Lee." Tumulo yung luha ko kahit alam ko nanaman yung mangyayari. Bakit lahat na lang ng kamalasan sa mundo napupunta sa akin?
“Salamat po Doc, papapuntahin ko na lang yung parents ko dito” sabi ko at lumabas na ng office niya. Dinial ko yung number ni Clyde. Ilang ring lang at sumagot na siya.
“Hello Frances?”
“Clyde, pwede mo ba akong sunduin? Nandito ako sa VIP Hospital”
“Okay, papunta na ako”
BINABASA MO ANG
Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★
Teen FictionNot all happily ever after... Exists.. but maybe, just maybe it will exist on their life, but how?