Chapter 80 *Goodbye*

4.9K 63 8
                                    

FRANCES’ POV

Yakap niya pa din ako, gusto ko siyang itulak pero hindi magawa ng katawan ko. Gusto ko siyang yakaping pabalik pero natatakot ako sa mangyayari. Ayokong masaktan ulit.

Agad ko siyang tinulak at tinignan siya sa mata. Nakita ko yung pagmamakaawa sa mata niya.

“P-paano kung hindi ako pumunta?” mahinang tanong ko.

“Hihintayin pa din kita. Alam kong pupunta Frances. Naniniwala akong pupunta ka” mahinang sabi ni Neo. Nakita kong may tumulong luha sa mata niya pero ngumiti lang siya habang umiiling.

“Aasa ako Frances, kahit masaktan ako asasa pa din ako. Hindi ako susuko Frances. Kala ko nung una biro lang lahat pero nagulat ako nung nawala ka sa akin dun ko nalaman ang totoo. Totoo nga yung sabi na kapag nawala sayo, dun mo malalaman yung halaga nun. Frances, gagawin ko ang lahat. Mapatawad mo lang ako”

Hindi ko namalayan na tumutulo na din yung luha ko. Nahihirapan akong huminga, ayokong mahalin niya ako. Mawawala din ako.

“S-sasabihin ko sayo ngayon pa lang, hindi ako pupunta Neo. W-wag ka ng umasa” sabi ko at tumalikod. Ayokong mahalin niya ako, masasaktan siya kapag nawala ako baling araw. Ayokong mangyari yun.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko para tumigil ako sa paglalakad.

“Alam kong pupunta ka…”

YANI’S POV

Ilang araw akong hindi pumasok, nasaktan ako sa sinabi niya. Alam ko naman na wala ng pag asa pero mas pinamukha niya pa sa akin yun.

Nabalitaan ko na lang kay Clyde na nakipagbreak na siya kay Frances, masaya ako para kay Neo dahil may pag as na ulit siya kay Frances.

Napangiti ako ng mapait at tinignan yung passport at ticket sa tabi ko. Napailing na lang ako, ano bang ginagawa ko dito kung yung taong mahal ko ay pinagtatabuyan ako.

Bukas na ang alis ko papuntang ibang bansa, siguro magsisimula ako ulit dun. Magsisimula ng bagong buhay na wala siya.

Ilang beses akong sinubukang tawagan ni Neo at puntahan sa bahay pero ayoko siyang makausap at makita. Natatakot ako na siya pa ang maging dahilan para hindi matuloy ang pag alis ko.

Nasa isang coffee shop ako ngayon, makikipagkita ako kay Zeke. Siya na lang ang naging karamay ko, tagabalita at kaibigan. Naiintindihan niya ako, may pinagsamahan din naman kami.

“Kamusta?” di ko napansin na dumating na pala siya. Umupo siya sa upuan sa harap ko. Ngumiti lang ako pero kumunot ang noo niya.

“Hindi bagay sayo ang ngumiti, nasasaktan ka”

“Haha. Talagang alam na alam mo” sabi ko at sumeryoso ng tingin sa malayo. Hindi niya pa alam na aalis na ako at siya lang ang mapagsasabihan ko nun.

“Gusto ko sanang sabihin mo sa kanila na sorry, sorry sa lahat ng pain na ginawa ko. Lalong lalo na kay Frances. Tell them how sorry am I Zeke.”

“Bakit parang nagpapaalam ka naman?” tumingin ako kay Zeke at ngumiti ng mapait.

“Aalis na ako bukas, babalik na ako sa America. Mas mabuti sigurong lumayo ako para hindi tayo masuffocate. Isang lugar lang ang ginagalawan natin; paikot ikot, walang mangyayaring maganda kung hindi aalis ang isa”

“W-what? Malapit na maging okay si Frances at Ne—“

“Nasasaktan pa din ako Zeke, hindi ko sila kayang makitang masaya. Nagparaya ako, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ako nasasaktan”

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon