Chapter 73 *The Other Side*

5.2K 52 3
                                    

FRANCES’ POV

Maaga akong pumasok, sabay kaming pumasok ni Clyde. Kagabi, pagtapos mag-aminan ay nag aya na akong umuwi.

Siguro masasabi ko ngayon na mas naging okay na yung pakiramdam ko. Siguro mas mabuting maging ganito na lang, tama na din siguro yung kay Neo. Dapat siguro kalimutan ko na siya.

Mamaya na siguro yung last na pag uusap namin. Siguro mas mabuting mag-move on na lang kami para sa ikabubuti ng isa’t isa.

“Frances. Diba mag uusap daw kayo ni Neo mamaya?” sabi ni Keisha. Naging okay na din kami, nag usap kami kahapon.

FLASHBACK

Pagpasok naming ay lumapit sa amin si Keisha.

“Pwede ba tayo mag usap?” tanong ni Keisha. Nagnod lang ako, pumunta kami sa kwarto niya. Naupo lang kami hanggang siya na ang nag open ng conversation namin.

“I know the truth Frances” kinabahan ako nung una. Anong truth?

“Ha? Ano yun? Anong alam mo na?” tanong ko

“You have leukemia” tapos humagulgol na ng iyak si Keisha. I hugged her, namiss ko na din siya at ilang buwan na kaming di nag uusap. Masyado na akong napapalayo sa kanya.

“Frances, ang daya daya mo. Kala ko forever bestfriend tayo pero nagawa mo pang itago yun sa akin! Naiinis ako sayo, nagtatampo ako pero bakit ganun? Dapat magalit ako pero naaawa pa din ako sayo. Kung may problem aka, nandito ako. Ishare mo yung problema mo sa akin, parehas natin yang isosolve” umiiyak na sabi ni Keisha.

“Sorry. Sorry Keisha”

END OF FLASHBACK

“Oo, siguro mamaya mag uusap kami” sabi ko. Nakasalubong naming si Yani, nakita kong namumugto yung mata niya. Tumingin siya sa akin na parang gusto niya akong makausap.

“F-frances. G-gusto kitang kausapin” nakita kong parang iiyak nanaman siya kaya nag-oo na lang ako. Pumunta kami sa garden ng school. Naupo kami dun at dun siya umiyak.

“May isa lang akong favor sayo. Wag mong babalikan si Neo. Frances, mahal na mahal ko si Neo”

“Ha? Pero sayo na siya at may iba na akong mahal” sabi ko

“Frances. Mahal ka pa ni Neo kaya kahit anong sabihin niya wag ka sanang makikipagbalikan sa kanya. Frances, mahal ko si Neo”

Napatulala ako, Mahal niya ako? May kabayong nagkarerahan sa puso ko. Bakit ngayon niyo ‘to sinasabi kung kelan nakamove on na ako?

Umalis na si Yani at naiwan pa din akong tulala dun. Ayokong saktan si Clyde, at alam kong mahal ko si Clyde pero ano ‘tong nararamdaman ko para kay Neo.

“F-frances” lumingon ako kung san nanggaling yung boses. Nakita ko si Neo, kitang kita sa mukha niya na wala pa siyang tulog at ang haggard ng mukha niya.

“Neo. A-ano ba yung pag uusapan natin?”I acted normal infront of him. Ayokong masayang lahat ng pinaghirapan ko para lang makalimutan siya.

Naupo siya sa tabi ko at pumikit. Tinitigan ko lang yung mukha niya, matangos na ilong, mahabang pilik mata, strong jawline at mapupulang labi. Si Neo nga siya, yung lalaking una kong minahal.

“Di ako makatulog ng maayos simula nung nalaman mo yung totoo, lagi kong iniisip kung okay ka lang. Kung mabuti na ba yung lagay mo ta—“

“Stop. Sabihin mo na lang yung kailangan mong sabihin”

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon