Chapter 67 *Changed*

5.4K 59 8
                                    

FRANCES’ POV

Nagising ako sa sinag ng araw, ba’t ako nandito? Bahay ‘to ni Keisha ah. Tumayo ako at ininspection yung lugar. Bahay nga to ni Keisha.

“Gising ka na pala”  walang ganang sabi ni Keisha pagkalabas niya ng kusina.

“Ba’t ako nandito?”

“Hinatid ka ni Clyde kagabi. Naglasing ka daw”

“Ah. Sige salamat. Aalis na ako, pasensya sa istorbo” sabi ko at sinuot na yung sapatos ko at naglakad papunta sa pinto.

“F-frances” narinig ko yung tawag ni Keisha kaya napastop ako.

“Frances. Ano bang nangyayari sayo? Andito pa naman ako, ako yung bestfriend mo” narinig kong umiiyak na si Keisha. Hindi pa nila alam na may sakit ako, family ko lang ang may alam nun kasama si Zeke.

“Hindi ‘to yung time para sabihin ko sayo yung totoo. I need time Keisha. Mas mabuti ng ganito” sabi ko at tuluyang umalis.

Nagpara ako ng taxi at sumakay. Parang wala ng sense yung buhay ko, okay lang. Mamamatay din naman ako.

Habang nasa taxi ay nagring yung phone ko, si Clyde. Sinagot ko ‘to.

“Asan ka?” tanong niya

“Pauwi na ako ng bahay”

“Uhhh. Yayayain sana kitang lumabas mamayang hapon. Pasyal sana tayo”

“Sige.”

“Okay, sunduin kita mamayang 3pm sa bahay niyo. Bye”

Binaba ko na yung phone ko, dumating na din ako ng bahay. Natulog muna ako ng konti at naligo’t nagbihis dahil aalis pa kami ni Clyde.

Habang pababa ako nakasalubong ko si Zeke, di ko pa din siya pinapansin pero todo effort siya para sa akin. Alam ko naman na ginagawa niya yung best niya pero masakit.

ZEKE’S POV

Nagyaya si Evo na lumabas kasama si Keisha. Naging okay na din kami, minsan sinusungitan ako ni Keisha pero okay lang kasi deserved ko naman yun. Hindi pa alam ni Frances na sumasama na ako sa barkada.

Habang pataas ako para magbihis, nakasalubong ko si Frances. Cold treatment, yan ang ginagawa niya sa akin.Di niya ako pinapansin, sinusungitan pero tinitiis ko yun.

“San ka pupunta?” tanong ko

“Sino ka ba para tanungin yan?” mataray na sabi niya at dirediretsong lumabas ng bahay. Ngumiti na lang ako ng mapait. Hindi kita susukuan Frances.

Umalis na din ako at nakipagkita kila Evo at Keisha pero nagulat ako sa mukha ni Keisha. Namumugto yung mata niya.

“Umiyak ka ba?” tanong ko sa kanya

“Si Frances kasi, ibang iba na siya. Alam kong galit siya kay Neo, sayo at kay Yani pero bakit dinadamay niya ako?”

Di pa nila alam yung tungkol sa sakit ni Frances pero sa tingin ko, may karapatan silang malaman. Niyaya ko sila sa isang coffee shop at nilibre sila. Habang umiinom ay nagkkwentuhan kami.

“Tungkol pala kay Frances” parehas silang tumingin sa akin.

“Wag niyo sanang ipagsasabii kahit kanina, sana tayo tayo na lang ang makaalam dahil mismong si Frances ay ayaw ipasabi yun.”

“A-ano ba yun? Kinakabahan ako” sabi ni Keisha. Huminga ako ng maluwag, kailangan nila malaman para maintindihan nila si Frances.

“Frances has a leukemia. Kailangan niyo siyang intindihin sa pinagdadaanan niya ngayon.” Sabi ko.Nakita ko yung gulat sa mukha nila. Nakita ko ding naiiyak na si Keisha.

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon