Chapter 64 *Confused*

5.3K 65 7
                                    

FRANCES' POV

Dahil wala akong magawa ay kinuha ko sa bag ko yung two piece ko. I want to swim. Inalis ko muna yung necklace at nilagay ito sa pouch ko.

Pumunta ako ng CR at sinuot yung black two piece ko. Sinuot ko din yung see through dress ko. Nagpahid ako ng sunblock at lumabas ng kwarto.

"F-f-frances?" gulat na sabi ni Clyde

"Clyde.. Ayoko namang umiyak magdamag diyan sa loob kaya magsiswimming muna ako" sabi ko

"Samahan na kita? Gusto ko na din magswimming ee" sabi niya

"Sure" sabi ko tapos lumabas na kami. Nakita ko si Neo na nakaupo lang sa buhanginan pero wala na akong pakielam sa kanya. Ayokong mas maging tanga. Tama na yung katangahang nagawa ko. Nung nasa may beach na kami ay inalis ko na yung dress ko tapos sumulong na ako sa tubig.

Nakita ko din si Keisha na nakabihis na ng floral two piece niya. Sumali na din sa amin si Evo kaya masaya na kaming naghahabulan. Minsan ay nadadapa ako at napapasukan ng tubig yung tenga ko pero natutuwa ako dahil pansamantalang nawala yung problema ko.

Umahon na kami dahil mataas na din yung sikat ng araw. Inabutan akoni Neo ng towel pero dinaanan ko lang yun. Ba’t ganto kasakit? Bakit ako pa ang napili niyang saktan? Pilit akong ngumiti, ayokong ipakita sa kanila na naaapektuhan ako.

Nung nakapag ayos na kami, sabay sabay kaming naglunch nila Keisha, Evo at Clyde. 

Nung pagdating ulit namin sa rest house ay andun si Zeke, Yani at Neo. Niyayaya ko si Yani pero ayaw niya kaya kami na lang. Hindi ako galit kay Yani, alam kong di siya kasali dito at alam kong di niya ako tatraydorin.

"Guys.. Videoke tayo mamaya! Magrirent ako! O gusto niyo dun na lang tayo sa mini bar dito" sabi ni Keisha

"Game ako diyan." sabi ko kaya lahat sila napatingin sa akin

"Iinom ka?" naguguluhang tanong ni Keisha

"Of course.. Tao din ako, i need some fun.. Hindi yung puro pain na lang ang nararamdaman ko." sabi ko. Agad naman kaming pumunta sa mini bar ng resort na ‘to. Umupo ako sa stool katabi ni Clyde. 

"Clyde. Pwede ba akong uminom? Diba sabi mo kapag uminom ka mawawala yung problema mo?" sabi ko

"Well, here.. Pero onti lang ha" sabi ni Clyde tapos kumuha na ako. Hindi ko alam kung ano yun pero ang pait pero inom pa din ako ng inom. Parang wala lang sa akin lahat.

Nung naubos ko na yung isang bote ng beer ay akmang kukuha nanaman ako ng isa pero may kamay na pumigil sa akin. Si Neo.

“Tama na yan. Lasing ka na” sabi niya. Tinabig ko yung kamay niya at ininom yung bote pero kinuha niya yun at binasag kaya lahat sila napatingin sa amin.

“Lasing ka na. Tama na” matigas na sabi niya habang nakahawak sa wrist ko

“Hindi ako lasing! Bitawan mo ako” sabi ko at inalis ko yung kamay niya sa wrist ko.

“Get off. Nakakadiri ka baka masuka ako” sabi ko. Lumapit ako kila Keisha na nakatingin pa din sa amin

“Hey. Bakit ang tahimik niyo? Lets enjoy the night” sabi ko at inagaw ko yung mic ay Keisha. Gusto kong ilabas, ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. 

*smirk*

“This song is for the guy who makes me believed that he really loves me. I fall for him, I really do. But guess what? He’s just cheating on me, using me for a bet. To that guy, I will pay back. Don’t worry” sabi ko habang nakatingin sa mata ni Neo.

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon