FRANCES’ POV
Pagkagising ko sa clinic ay nakita ko si Clyde habang nakabantay sa akin. Nagsmile lang siya at hinatid akong umuwi.
Nanliligaw na siya sa akin, nararamdaman ko din namang mamahalin ko siya at di gagawing panakip butas.
“Frances. Pumasok ka na, bukas diba may check up ka?” sabi ni Clyde nung nasa harap na kami ng gate
“Oo. G-gusto mo akong samahan?” tanong ko
“Oo, kahit di mo naman itanong ay sasamahan pa din kita. Sige pumasok ka na. Goodnight” sabi niya at hinalikan ako sa noo. Nginitian ko lang siya at pumasok na ako sa loob ng bahay.
Pagpasok ko ay nagsibalikan lahat ng sinabi ni Neo.
“Kala ko nung una laro lang ‘to. Akala ko panalo na ako kasi minahal mo ako, pero gago ako. Ako pala yung talo, ikaw pala ang minahal ko. Nagsisisi ako kasi pinakawalan kita”
“No. I know you still love me. Alam kong mahal mo pa ako. Frances, mahal na mahal pa din kita”
Tumulo yung luha ko. Makakamove on na ako Neo, pero ano nanaman ‘tong kagag*hang pinagsasabi mo?!
Clyde, ayaw kitang saktan, Tinignan ko yung singsing namin ni Clyde pero nagulat ako. P-paano napunta ‘to sa akin? Bakit andito yung singsing na binalik ko na kay Neo?
“Frances. Andyan ka na pala. Nag-alala ako, di mo ako tinext. Buti nakadating ka na” napatingin ako kay Zeke. Nag aalala yung mukha niya habang nakatingin sa akin.
“A-ah. Kuya, okay lang naman ako. Di mo na kailangang mag alala” Sabi ko pero nagulat ako kasi napatulala siya. Did I say something ugly?
“F-first time mo akong tinawag ng Kuya” sabi niya habang nakasmile. Di bagay sa kanya maging sweet, I still remember the babaerong Zeke sa kanya.
“Don’t you like it?” sabi ko. Baka kasi naiilang siya na tawagin ko siyang Kuya
“No. I love it” sabi niya habang di pa din maalis yung ngiti sa labi niya.
“Sige. I’ll just change my clothes tapos kain tayo sa labas. Treat ko!” masayang sabi ko. Mas mabuting maging close na kami, para mabawi yung oras na di kami magkasama.
Kumain kami ni Kuya sa Mcdo, ayaw ko kasi ng masyadong mamahaling restaurant. Mas masarap dito, madaming nakakakilala sa akin pero dedma lang.
Umorder kami ni Kuya ng bucket ng chicken at spaghetti.
“Kailangan mong magpataba, ang payat payat mo na” sabi ni Kuya. Nasasanay na din ako sa Kuya. Mas masaya.
“May sa..kit kasi ako” nawala sa isip ko. Ayaw kong pagkwentuhan ang tungkol sa sakit ko.
“K-kain na tayo” siguro naman ay nakaramdam siya at kumain na lang kami ng tahimik.
Habang kumakain ay may natanaw kami sa labas ng Mcdo, naglalakad siya na parang wala sa sarili.
“S-si Yani yun diba?” tanong ko. Nakashirt at shorts lang si Yani at mukhang di alam kung saan pupunta.
“Frances. Pupuntahan ko lang si Yani. Babalikan kita”
“Sige” sabi ko. Kahit galit ako kay Yani ay andun pa din yung part sa akin na naging magkaibigan kami. Nakatulala lang ako, ano na ang nangyari sa amin? Alam kong wala siyang kasalanan, dahil nagmahal lang siya. Kami… sa iisang lalaki.
Pumasok na sa loob ng Mcdo si Kuya akay akay si Yani. Nakatulala lang si Yani pero nag iba yung itsura niya nung nakita niya ako.
Umiyak siya sa harap ko, at nagulat ako nung niyakap niya ako. What is this?
BINABASA MO ANG
Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★
Teen FictionNot all happily ever after... Exists.. but maybe, just maybe it will exist on their life, but how?