★ ❤Epilogue❤ ★

4.9K 89 28
                                    

(Kiss the Rain - Yiruma)

NEO'S POV


Tahimik na umiiyak ang lahat. Lahat ng kamag anak at malalapit sa puso ni Frances. Ngayong araw ililibing si Frances.

Nakatulala lang ako habang binabasbasan ng pari ang kabaong ni Frances. Wala ng luha ang tumutulo sa mga mata ko. Natuyo na na ito dahil sa araw araw na pag iyak ko.

Nung natapos na ang pari sa pagbabasbas ay isa isang nagsasalita ang mga taong malalapit sa puso ni Frances. Lahat sila hindi tumitigil sa kakaiyak.

"Frances.. My dear princess. Sorry kung masyado na kitang nasasakal. You know how much i love you" hindi na natapos ng Mom ni Frances ang sasabihin niya dahil humagulgol na ito sa iyak

Hindi ko naintindihan ang sinabi ng Dad  ni Frances dahil korean ito. 

"Frances. My sister, thank you for giving me another chance na mapatunayan ko na karapat dapat akong kuya sa iyo. Si Frances yung taong papatawadin ka kahit anong kasalanan ang nagawa. Frances is really an angel. Im the luckiest brother to have Frances. Frances, be safe sa pagpunta mo sa heaven. You're now our angel" sabi ni Zeke at naghagis ng bulaklak sa coffin ni Frances

Nakatulala pa din ako habang nakatingin sa kawalan. Ramdam na ramdam ko yung sakit, para akong tinusok ng libo libong kutsilyo sa dibdib ko.

"H-hey.. My bestfriend. Gahh! Tumayo ka nga diyan.. You're not supposed to be there! You promised me that you will never leave me! But what is this?!" humagulgol na si Keisha at napaupo na sa damuhan habang nakatingin din sa coffin ni Frances

"Frances, i will miss you. Mamimiss ko yung araw na kasama kita. Kahit sino walang makakapantay sayo. Ikaw lang ang tanging bestfriend ko" sabi ni Keisha agad na siyang inalalayan ni Evo tumayo at inupo sa chair

Kahit nga siguro gaano katuyo ang luha mo, tutulo at tutulo pa din ito. Gaya ng pakiramdam ng tao, kahit manhid na, masasaktan at masasaktan ka pa din.

"Hey Demure Princess! Wala ng may kailangan ng hero side ko. Wala na akong ililigtas sa pain haha. Well, sorry kung kahit anong protect ko sayo nasasaktan pa din kita. Frances Lee, bogoshipeulguhya" (I will miss you) sabi ni Clyde

Alam kong pinapakita ni Clyde ang pagiging strong niya pero bakit ganon? napaka-hirap sa side ko. Bakit di ko kayang maging malakas?! Bakit di ko kayang hindi umiyak!?

Nagsalita na si Yani pero hindi ko na ito naintindihan dahil kung ano anong bagay ang pumpasok sa isip ko. Mga bagay na pinagsamahan namin ni Frances

Inabot na sa akin ni Yani ang Mic. Lahat ng tao nakatingin na sa akin, dahan dahan akong tumayo at lumapit sa Coffin ni Frances.

Tinignan ko ito at dun na bumuhos ang luha ko. Nakita ko yung nakangiting mukha ni Frances. Ngumiti ako at tumingin sa lahat ng tao na dumalo sa libing.

"Im scared, really scared. Takot ako kasi bukas ay hindi ko na ulit masisilayan yung mukha niya. Yung mukha ng babaeng halos dahilan kung bakit tumitibok yung puso ko. Ang sakit, sobrang sakit. I dont want to let her go, but she begged. Nagmakaawa siya na pakawalan ko na siya kasi hirap na hirap na siya. I said yes. I told her how much i love her. Alam niyo yung sakit na dinanas ko habang nakikita ko siyang mawalan ng buhay?! BAKIT SIYA?! Nagsisisi ako kung bakit ko siya sinaktan, kung bakit di ko pa narealize ng maaga na mahal ko siya! nagkaroon pa sana kami ng ma mahabang oras. I just want to tell her how much i love her.. I love you Quinn Frances Lee Javier" sabi ko at dahan dahang ibinaba ang mic

Hanggang sa unti unti ng ibinaba ang coffin ni Frances. Hindi ako nakisali sa iyakan nila. Nakaupo lang ako sa chair habang tinitignan sila.

Ayokong magpaalam kay Frances, hinding hindi ko yun gagawin. Alam kong andito siya kahit na di ko siya nakikita. Alam kong kasama ko siya at binabantayan niya ako.

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon