Chapter 70 *I love you*

5.3K 57 4
                                    

Chapter 70:

FRANCES’ POV

“Kuya Zeke” napatigil si Zeke sa paglabas at humarap sa akin. I can see his tears. Should I trust him now? May part sa akin na nagsasabing ‘Oo, mapagkakatiwalaan mo siya’ pero meron ding ‘Wag, lolokohin ka lang niya, He’s a user’.

But I chose the first one, I know he’s sincere. I can feel it.

Lumapit sa akin si Zeke at niyakap ako. I heard his sobs.

“Thank you. Thank you” he kept on repeating those words. Napahagulgol na din ako, I don’t know why, ito pala ang feeling ng may Kuya. Napabitaw ako sa yakap niya ng may kumatok. Si Clyde.

“Pasok” sabi ko habang nakangiti, umalis muna si Zeke kaya kami na lang ang naiwan ni Clyde.

“Anong nararamdaman mo?” tanong niya

“As usual, pain”

“Frances, nagkita daw kayo ni Neo kanina?”

“Uh Yes”

“Iniwan mo daw siya?”

“So? Wala kaming commitment kaya okay lang yun”

“Frances, that’s not my point. You told me to help you forget all about him, but why are you doing this?” napatahimik ako, ayokong makalimutan siya. Gusto ko siyang masaktan.

“Nagbago ako ng plano.” Tumingin lang sa akin si Clyde, parang hinihintay na sabihin ko sa kanya yung plano ko.

“I will make him suffer. Ipaparamdam ko sa kanya yung pain” nakita kong napahawak si Clyde sa singsing niya. Yung singsing na kahoy na binigay ko sa kanya, yung parehas kami ni Neo.

“Kaya mob a ‘to binigay sa akin? Nandun kasi nun si Neo, kala ko wala lang yun pero yun ba yung way para masaktan mo siya?” nakita ko yung pain sa mata ni Clyde. Di ako nakasagot, dahil alam kong  tama siya.

“Frances, kala ko may nabubuo ka ng pagtingin sa akin. Yun pala pinagseselos mo lang si Neo. Kala ko kaya mo binigay sa akin yung singsing dahil meron ka ng nararamdaman pero yung pala pinagseselos mo lang si Neo. Kala ko din nung lumipat ka sa klase ko ay dahil sinundan mo ako. At yung nasa rooftop. Akala ko lang pala yun”

“C-clyde. I didn’t mean to hurt you”

“Okay lang. Diba sabi ko kahit masaktan ako basta sumaya ka okay na ako.” Napayuko si Clyde. Nagiguilty na ako.

“Clyde. Sorry. Di ko sinasadya but I promised you pagtapos nito sayo lang ako” tapos niyakap ko siya.

“Sana nga pero di muna ako aasa” nagnod lang ako. Pumasok na si Zeke, nakita kong nagbibleed yung kamay niya.

“Sige Frances. Babalik na lang ako sa susunod” sabi ni Clyde, nakita ko yung galit sa mata ni Clyde habang nakatingin kay Zeke.

Nung umalis na si Clyde, naiwan kaming tahimik ni Zeke. Nakatingin lang ako sa kamay niya, nakabalot lang yun ng white cloth at makikita mo yung blood stain.

“Ze—uh. Kuy---“

“Di mo ako kailangang tawaging Kuya kung naiilang ka. Okay lang sa akin yung Zeke”

“Uh. Gusto mong gamutin ko yang kamay mo?” tanong ko na lang. Naiilang pa din ako hanggang ngayon.

“Hindi. Okay lang ako. Nalagyan ko na din naman ng gamot” nakangiting sabi niya. Nagnod na lang ako.

“Btw, kanina pa tumatawag si Neo sa phone mo” sabi ni Zeke. Inabot ko yung phone ko sa gilid ng kama ko. Tumatawag nga siya at may text na din.

Sadist Prince meets Demure Princess ★(COMPLETED)★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon